Pangarap na kamatayan: Bangkay ni Britney Spears ipi-preserve sa cryogenic
MANILA, Philippines - Maluho at kakaibang kamatayan ang pangarap ng international singer na si Britney Spears. Gusto niyang maipreserba o mai-frozen ang kanyang bangkay kapag namatay siya para, kung sakaling may maimbentong kinakailangang teknolohiya sa darating na panahon, puwede siyang mabuhay muli.
Sang kaibigan ni Britney ang nagsabing lubha nang obsesyon ng singer ang maipreserba ang katawan nito kapag namatay siya.
Kabilang sa idea ni Britney, ayon sa The Sun, yaong maipreserba ang kanyang bangkay sa liquid nitrogen o gawing cryogenically frozen.
Isang kumpanyang nagsasagawa ng cryogenic na Alcor Life Extension Foundation ang pumatol sa interes ng singer.
Naengganyo si Britney sa idea ng pag-frozen sa kanyang katawan dahil sa paniniwalang ang bangkay ni Walt Disney ay iprineserba sa cryogenics para puwede itong mabuhay na muli sa hinaharap.
Bukod dito, plano rin ni Britney na ipagawang diamante ang kanyang abo kapag namatay siya. Pero mas pantasya niya ang cryogenic na gagastusan niya ng $350,000.
- Latest