^

PSN Showbiz

Pinoy Teen Housemates nag-hamon ng rematch

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Totoong banggaan na ang naganap sa da­la­wang grupo ng teen housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Clash of 2010 noong Lunes (May 24) matapos mapanalunan ng Teen-ternationals ang dalawang slot sa Big Night na pinaglabanan sa weekly task noong nakaraang linggo.

Kinausap ni Kuya ang mga Pinoy teen house­mates na kumbinsihin ang mga katunggali sa pa­ma­ma­gitan ng rap-off na magkaroon ng re­match para sa ilang slots sa Big Night. Pero ang rap-off ay nag­karoon ng lyrics na offensive para sa mga Teen-ternationals.

Pahiwatig ng mga Pinoy housemates, paki­ram­dam nila ay nadaya sila. Ipinaliwanag naman ni Ivan, na noong sinabi nilang “we felt cheated” ay hindi nila itinuturo ang mga housemates na nan­daya, kundi pa­ki­ramdam nila ay hindi nakiisa sa kanila ang tadhana.

Samantala, pinangalanan na sina Jack, James, Sophia, Jenny, Angelo, Joe, Patrick, at Tricia bilang mga nominado ngayong linggo. Tig-dalawang house­mate sa magkabilang bahay ang mae-evict sa dara­ting na Sabado.

Bigyan kaya ng slot ng Teen-ternationals ang mga Pinoy teens? Abangan iyan kasama si Mariel Rodri­guez sa PBB Teen Clash of 2010 Uber pag­­­ka­tapos ng Naruto Shippuden, si Toni Gon­zaga sa prime­time pagkatapos ng Rubi, at Bianca Gonzalez sa PBB Updates.

* * *

Nagiging stressful ang shopping kapag traffic pa­­punta sa mga malls at kapag nakarating ka na sa mall, sobrang dami naman ng tao.

Nakapili ka na ng bibilhin mo pero ang haba ng pila sa ba­yaran!

Mabuti na lang at nariyan ang Natasha, isang wholly-owned Filipino company, na nagbigay ng “perfect solution to make shopping hassle-free.”

Mula pa nang nagsimula ito noong 1993, ang pa­mil­yar nitong green scripted logo ay naging sim­bolo ng trendy but reasonably priced fashion.

Ngayong 2010, may bagong handog ang Na­tasha para ang shopping ay mas maging exciting, fun, at convenient dahil sa bago nitong DVD Cata­log. Maaari na kayong mag-shop to your heart’s content, in the comfort of your own home habang pinapanood ang DVD copy. Maliban sa monthly prin­ted catalogs (ang fashion catalog na makikita ang mga apparels, shoes, accessories, makeup, frag­rances, at iba pang personal care products), ang DVD format ay mag­papa­malas ng mas ma­linaw na imahe ng mga produkto.

Ang mga signa­ture models ng Natasha ay kina­bibilangan ng mga celebrity endorsers na mapapa­nood din sa DVD. Ang modelo para sa ladies’ apparel ay si Anne Curtis; ang mukha para sa Maxi for plus-sized women ay si Mickey Ferriols; at si Brent Javier naman ang para sa men’s undergarments.

Mayroon din ang Natasha ng mens’ apparel, Natasha Shape (women’s underwear), Renee Sa­lud Fashion, TRU (for teens), and the Kids Collec­tions. Talaga namang isa itong treat mula sa Natasha dahil bukod sa komportable ang iyong shopping, mapapanood pa ang iyong paboritong artista na suot ang mga latest trends.

Watch na ng DVD Catalog pumunta lang sa pinakamalapit na Natasha dealer o i-check ang website sa www.natasha.ph.

* * *

Ang bagong labas na Blessings of Love ng Uni­versal Records ang bagong blessing ng Queen of All Media na ngayon ay Queen of Con­cept Album na rin.

Masaya si Kris Aquino dahil muling nai-record ang mga huling pangyayari sa buhay niya, par­tiku­lar na ang nakaraang eleksiyon.

Isinulat niya ang ilang saloobin sa liner notes ng album na puno ng pasasalamat sa lahat ng mga sumuportang tagahanga sa buong pamilya Aquino.

Kabilang na rin ang walang sawang pasa­sala­mat niya sa mga nagpaunlak ng kanta sa Bless­ings of Love na sina Gary Valenciano, Martin Nie­vera, Ogie Alcasid, Jed Madela, JayR, Nina, Gail Blanco, Ronnie Liang, Erik Santos, Chris­tian Bautista, Noel Cabangon, Aia de Leon, at Regine Velasquez.

Ang ilan sa mga siguradong magiging hit na kan­­ta ay ang I Have Fallen in Love With the Same Woman Three Times, Dance with My Father, Impossible Dreams, Walang Iba, at Hindi Ka Nag-iisa.

ANNE CURTIS

BIANCA GONZALEZ

BIG NIGHT

BLESSINGS OF LOVE

BRENT JAVIER

NATASHA

PINOY

SHY

TEEN CLASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with