^

PSN Showbiz

Project of a lifetime

-

MANILA, Philippines - Sa local film industry, bihira ang naglalakihang cast at kapag meron, isang malaking seleb­ras­yon ito. Kaya ang pag­­­sa­sama ng dalawang mala­laking pangalan sa isang malaking pelikula, ang Hating Kapatid, na mula sa Viva Films ay tinata­wag na sa ngayon pa lang na pinakamalaking proyekto sa taong ito.

Sa July 28, sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo ang dala­wang bigating bida sa peli­kulang idinirek ni Wenn Deramas at isi­nulat ni Mel Mendoza-del Rosario.

Isang project of a life­time ang turing ni Viva big boss Vic del Rosario sa Hating Kapatid.

“This is the first time that Juday and Sarah will be seen in one movie. That is a casting coup in itself,” bida ng bossing. “Pero bukod sa kanila, may malalaking aktor pang kasama tulad ng beteranang si Gina Pareño at ang talented young actor na si Luis Manzano. This is big.”

Ang Hating Kapatid ay kuwento ng magkapatid na sina Rica at Cecilia na mahal na mahal ang isa’t isa kaya handang isakripisyo pati na ang personal na kaligayahan. Isang romantic comedy ito na magpapakilig, magpapaluha, at magpapatawa sa mga manonood.

Kilala ang dalawa ngayon sa pagiging blockbuster actresses kaya inaabangan na ng lahat ang pinagsamang galing ng isang hinahangaang Teleserye Queen at ng isang iniidolong Pop Princess. 

vuukle comment

ANG HATING KAPATID

GINA PARE

HATING KAPATID

ISANG

JUDAY AND SARAH

JUDY ANN SANTOS

LUIS MANZANO

MEL MENDOZA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with