^

PSN Showbiz

Kris magsi-semi retire sa showbiz; Wowowee bumulusok ang rating dahil kay Robin

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Magsi-semi retire daw muna si Kris Aquino sa showbiz dahil ang pagtulong sa mga napa­ngakuan niya noong kampanya ang kakaririn nito, kuwento ng isang taong malapit kay Kris. Pero hindi naman daw siya tuluyang mawawala sa ek­se­na dahil babalik ang Deal or No Deal sa Oc­to­ber. Plus meron naman daw itong mga com­mercials.

Saka meron namang Twitter kaya siguradong maa-update lahat sa mga mga gagawin niyang pagtulong sa kapatid niyang nanalo ng presidente last May 10 elections.

Ang inaabangan ngayon ay kung sinong mga ia-appoint ni Sen. Noynoy sa mga sangay ng pa­ma­halaan na may kaugnayan sa Showbiz – Movie and Television Review and Classifi­ca­tion Board (MTRCB), Optical Media Board (OMB), Film Deve­lopment Council of the Philippines (FDCP), Metro Ma­nila Film Festival (MMFF) at iba pa.

* * *

Hindi makalimutan ng mga nakapanood sa YouTube ang sinabi ng lumayas na host ng Wowowee ang tinuran ni Willie Revillame sa programang Paparazzi ng TV5 na ang nasabing programa nila (Wowowee) ay pag-aari ng bawat Pilipino.

“Hindi ko ‘yan pag-aari. Hindi yun pag-aari ng istasyon. Ibinigay namin ‘yan sa tao. Gusto namin pagpasok nila sa studio, tatawa sila, mari-relax sila,” banggit daw ni Revillame sa nasa­bing interview.

Paano raw naging pag-aari ng Pilipino ang nasa­bing programa eh sa ABS-CBN ‘yun ini-ere?

“Saka kanino ba nanggagaling ang pera na ipina­mi­migay nila sa show, di ba sa Dos, sa commercials na ini-ere sa pag-aaring network ni Mr. Gabby Lopez,” say ng isang observer na naloka sa mga sinabi ng TV host sa kanyang interview sa programa ng TV5.

May punto naman.

Saka paano kaya ngayon magmamalaki si Revillame na hindi nagri-rate ang Wowowee pag wala siya. Eh bakit hataw ang rating ngayon? Kinabog pa ang rating ng Showtime na dating hindi maungusan ng nasabing programa.

Anyway, simula nang ipakilala noong Sabado si action superstar Robin Padilla bilang special host ng Wowowee, halu-halong reaksiyon na ang lumutang mula sa publiko.

“Gusto ko lamang pong ipaalam sa lahat ng ating kababayan sa buong mundo na ako po ay nandirito sa Wowowee dahil sa ugaling Pilipinong bayanihan. Tumutulong lang po ako upang ang progra­mang ito ay manatili na nasa inyo at nagpa­pa­ligaya,” pahayag ni Robin.

Para suyuin ang mga ito, inialay ni Robin, na kilala rin bilang Videoke King, ang kantang Kahit Konting Pagtingin na mala-harana sa mailap na nililigawan.

Ngunit bukod sa pagharana, isang makahulugang opening message ang nabitiwan ni Robin. Aniya, “Magandang tanghali po sa Spain, Australia, Florida, Georgia, Maryland, at Guam! Isang araw pupunta ako diyan kasama ang Wowowee!”

Sa pagbating ito ni Robin, marami ang nagta­tanong, tuluy-tuloy na nga ba siyang makikisalo at magbibigay-saya bilang special host sa programa ng bawat Pilipino sa buong mundo? Tutukan...

COUNCIL OF THE PHILIPPINES

FILM DEVE

FILM FESTIVAL

GABBY LOPEZ

KAHIT KONTING PAGTINGIN

PILIPINO

SAKA

SHY

WOWOWEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with