^

PSN Showbiz

Anjo hindi nakaka-recover, nagluluksa pa rin

RATED A - Aster Amoyo -

Alam mo, Salve A., base sa mga pahayag na binita­wan ni Kris Aquino sa The Buzz last Sun­day, may higing kami na magpapaalam na siya sa kanyang dalawang showbiz talk shows sa ABS-CBN, ang The Buzz at SNN kung saan niya pare­hong kasama ang kanyang best friend na si Boy Abunda. Kahapon, Martes ay kina­usap ni Kris at ng kanyang mga nakaka­tandang kapatid na babae na sina Ballsy, Pinky at Viel ang top management ng ABS-CBN sa kan­yang plano na may kinalaman sa pagka­kapanalo ng kanyang kaisa-isang kapatid na lalaki na si Sen. Noynoy Aquino bilang pina­ka­bagong pangulo ng Pilipinas. Hindi man nag-ela­­bo­rate si Kris sa kanyang mga pahayag, klaro ang kanyang bini­tawang mga salita na balak niyang tu­mu­long sa kanyang kapatid in terms of public service.

Come July 1, si Sen. Noynoy na ang uupong pa­­­ngulo kaya malamang na hanggang June 27 na lamang mapanood si Kris sa The Buzz at hang­­gang June 30 na lamang sa SNN o kung hindi man, hanggang June 25 (Biyernes). Kapag ito’y nang­yari, tiyak na malaking kawalan si Kris sa larangan ng telebisyon lalo na sa bakuran ng ABS-CBN.

Although nothing is final hangga’t hindi si Kris mismo ang personal na naga-announce sa kanyang final decision.

* * *

Sobrang apektado si Anjo Yllana sa maagang pagkawala ng kanyang nakababatang kapatid na si Robbie (Robert Francis G. Yllana). Kuwarenta an­yos pa lamang si Robbie at kasunod ni Anjo. Su­munod kay Robbie sina Paulie, Jomari at bunsong kapatid na si Ryan. Bukod sa pagkawala ng kanyang kapatid, hindi rin pinalad si Anjo sa kanyang political career nang muli siyang matalo sa pagka-vice-mayor ng Parañaque although nanalo sa pagka-konsehal ang kanyang bunsong kapatid na si Ryan.

* * *

Sayang Salve A. at hindi kami nagpang-abot ni Boy Abunda nang kami ay umuwi sa aming home­town sa Borongan City sa Eastern Samar nung isang linggo. Nakabalik na siya ng Maynila nang kami ay dumating doon at isang masayang ba­lita ang aming tinanggap na nanalo bilang ma­yor ng aming lugar ang nakatatandang kapatid ng King of Talk na si Fe Abunda. Of course, all out ang naging suporta ni Boy sa kanyang Mana Fe tulad ng kanyang ginawa nang ito’y tumakbo bilang vice-mayor, ganundin ang kanyang inang si Nanay Lising mula sa pagka-konsehal hang­gang sa pagiging vice-mayor na kanya namang ipi­namana kay Fe.

Malaking factor talaga si Boy sa panalo ng kanyang Mana Fe. Finally, nakarating din ng Bo­ro­­ngan si Kris Aquino at sa magarang bahay ni Boy sa Campesao tumuloy ang bunsong kapatid ni president-elect na si Sen. Noynoy Aquino.

Ang outgoing governor ng Eastern Samar na si Gov. Ben Evardone naman ang pinakabagong halal na kongresista.

Sana naman, tulad ng inaasam ng aming mga ka­babayan sa Eastern Samar ay mapagtuunan ang pagpapaayos ng national highway ng Eastern Samar at maging ng aming pagamutan doon. Maging com­mercially viable na rin sana ang aming airport na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamit.

Sana pangatawanan ng mga newly-elected local officials ng Borongan ang kanilang mga bini­tawang pangako laluna ang pagiging bagong siyu­dad ng aming lugar.

Gaano man ka-busy ang schedule namin ni Boy na may kinalaman sa aming trabaho, we find time na makauwi paminsan-minsan sa aming beloved home­town kahit napakasama ng daan ng Eastern Samar dahil dito kami isinilang, nagkaisip at lumaki.

* * *

Napakasuwerte talaga ni Aling Dionisia, ang cele­brity mom ng People’s Champ na si Manny Pac­quiao dahil isa na namang engrandeng birthday party ang ibinigay sa kanya ng kanyang pabo­ritong anak na siya ring nagsilbing blow-out party ni Pacman sa kanyang pagkakapanalo bilang kongresista ng Saranggani. Bukod sa bong­gang selebrasyon, isang diamond set na nag­ka­kahalaga umano ng mahigit P800,000 ang regalo kay Aling Dionisia ni Manny.

Kung noon ay dumanas sa matinding hirap si Aling Dionisia sa pagpapalaki sa kanyang mga anak, nga­yon naman ay pawang ginhawa ang kan­yang tinatamasa dahil sa tagumpay ng kanyang panganay sa larangan ng boksing sa buong mundo.

In fairness kay Manny, isa itong mapagmahal na anak sa kanyang ina. Hiningi rin ng boxing hero ang basbas ni Aling Dionisia na siya’y paya­gang muling sumabak sa boxing arena laban kay Floyd Mayweather at pumayag naman ang ina pero ito na umano ang kanyang huling laban. 

Paano kaya ngayon hahatiin ni Manny ang kanyang oras sa boksing at pulitika?

* * *

[email protected]

vuukle comment

ALING DIONISIA

AMING

BOY ABUNDA

EASTERN SAMAR

KANYANG

KAPATID

KRIS AQUINO

MANA FE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with