Gabby kinakarir na rin ang pagkanta
MANILA, Philippines - Babalik sa pagkanta ang walang kupas na si Gabby Concepcion sa isang musical concert na magaganap sa Music Museum sa July 2 at 3.
Puno ng kantahan, tawanan, at kasiyahan ang pinamagatang Gabby’ng K Ganda dahil makakasama ng Kung Tayo’y Magkakalayo star ang mga topnotch comic acts na sina K Brosas at Vice Ganda.
Bilang singer, mas gusto ni Gabby na nakikita ang crowd na nakikikanta’t nakikialiw. Kaya ang pangako niya, “I will make the audience participate for this concert. It’s usual when somebody sings in front of people watching all throughout kaya iibahin ko for this one. We’re going to have lots of fun.”
Sa concert, ipo-promote niya ang sophomore CD na Unforgettable na mula sa Warner Music. Nakapaloob dito ang mga kantang Moon River at Can’t Take My Eyes Off You na tiyak na iparirinig niya ng live kasama pa ang ibang sorpresang kanta.
Singer na singer na ba si Gabby ngayon?
“I’d like to label myself as ‘an actor on stage,’” sagot niya. “For me, lahat puwedeng kumanta. You just have to put your heart into it.”
Mabibili na ang mga tiket sa TicketWorld, National Bookstores, Robinsons Department Stores, Ayala Malls, at sa Music Museum (721-0635, 425-7077).
- Latest