^

PSN Showbiz

Career ni Frencheska umuusad na

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Mukhang bumibilis na ang usad ng career ni Fren­cheska Farr. Isa na siya sa pambatong per­former ng Party Pilipinas. Napapansin na siya nga­yon ‘di tulad noon na one of those lang siya.

Lalo siyang pag-uusapan ngayong bida siya sa kauna-unahang original movie musical sa Pilipinas, ang Emir, na mag­katuwang na itina­taguyod ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ng Cultural Center of the Phi­lippines (CCP) at nasa direksiyon ni Chito Roño. Bukod kay Fren­cheska, kasama rin sa cast sina Dulce, Beverly Sal­­­viejo, Liesl Ba­tucan, Melanie Dujunco, Kalila Aguillos, at Julia Clarete.

Yaya na OFW ang role ni Frencheska, taga­pa­ngalaga ng anak ng isang sheik. Sa paglaki ng bata, natutunan niya sa kanyang yaya ang wikang Pilipino, nakilala ang kultura at values ng Pilipino. Naging parang nanay siya ng kanyang alaga at walang hindi gagawin para protektahan ito. O di ba ang ganda ng kuwento?

Kasama rin sa pelikula at dumaan sa matin­ding audition sina Sid Lucero, Jhong Hilario, Gigi Es­calante, Bayang Barrios, Bodjie Pascua, Emil Sandoval, Ned Hourani, Valerie Bariou, Ali Rasheki, Joshua Elias Price Hourani, at Mahdi Yadzian Varjani.

Tinalo ni Frencheska sa audition ang dalawang sikat na Kapamilya stars para sa kanyang role.

* * *

Hindi naman kay Noynoy Aquino lamang nagbi­gay ng magandang pananalita ang re-elected gover­nor of Batangas na si Vilma Santos kundi maging sa ama ng kanyang anak na si Luis Manzano na si Edu Manzano.

Magagandang salita ang pakonsuwelo niya sa dating asawa na natalo sa pagka-bise presidente ng Pilipinas. Hindi raw ito dahilan sa kakapusan ng talino ni Edu kundi dahil sa matagal nang pinag-aralan at pinag­handaan ng kanyang mga nakalaban ang po­sisyon. Pero kung sa senado daw ito tumakbo, malamang nanalo pa ito.

Napaka-generous ni Gov. Vi, kaya love siya ng kanyang constituents. Nakakatuwa ring makita na nananati silang magkaibigan ni Edu kahit nagkahiwalay sila.

* * *

O hindi lamang pala guest host ng Wowowee si Robin Padilla. May mahalagang misyon pa rin ito sa network, ang mapagbati ang host na nag-iwan sa Wowowee at si Jobert Sucaldito.

Magtagumpay naman kaya? Mapapabalik ba niya ang nagagalit na host na wala naman palang offer mula sa Singko?

Nagpalipad kasi ng balita ang maraming kaalyado ng host na lalabas ito sa kalabang istas­yon at nagparamdam na interesado itong maging Kapatid siya. Pero lumalabas na hindi naman pala totoo.

ALI RASHEKI

BAYANG BARRIOS

BEVERLY SAL

BODJIE PASCUA

CHITO RO

CULTURAL CENTER OF THE PHI

EDU

EDU MANZANO

EMIL SANDOVAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with