Pia Magalona naglabas ng galit sa mga intriga kay Maxene
Mahaba ang post ni Pia Magalona sa kanyang Facebook account tungkol sa conflict ng anak na si Maxene Magalona at mga kasama sa Ampalaya Anonymous at Pauleen Luna. Entitled Much Ado About Nothing (apologies to W. Shakespeare) ang post at nabanggit ni Pia kung bakit hindi siya pumayag na makapareha ng anak si JC Tiuseco.
Nagtatanong din si Pia, “Why do you keep trying to put Maxx in a bad light?” na addressed sa mga taong nagsusulat laban kay Maxene. Dagdag ni Pia, “Please don’t ask me to play along because I’m not equipped to ‘lie’.”
Nanawagan din si Pia sa GMA 7 na ’wag simulan ang Bakit Kay Tagal ng Sandali on a “wrong foot” at gawan ng paraan na matigil ang issue kina Maxene at Pauleen.
“The shows that Maxene has been a part of, have always been consistent raters because of the work everyone puts into there and not because of cheap gimmickry. We’re not about to start now,” part ng post ni Pia na for sure, marami ang nakabasa.
Sabi ni Pia, kaya sumulat siya sa Facebook dahil hindi pa nabibigay ang natupad na request niya sa production na magkaroon sila ng dialogue. Pero na-tweet ni Maxene na sana magkausap sila ni Pauleen sa workshop nila ngayong araw for their soap.
Nabanggit din ni Pia na disbanded na ang Ampalaya Anonymous at two weeks lang tumagal ang grupo na ang tumayong presidente ay si Angel Locsin at nabuo “out of a united boredom of idle minds.”
* * *
Natawa kami sa biro ni Iza Calzado na “sana, hindi ko na lang inimbita ang dad ko,” dahil naging open si Lito Calzado sa paglabas ng konting tampo na for six months walang regular show sa GMA 7 si Iza. Naturingan daw GMA Artist Center talent ang anak at contract star ng network, pero ’di mabigyan ng regular show for six months now.
Ani Lito, hindi sila nagrereklamo, pero sana maalaala ng management na si Iza ang first female contract artist nila. Guest role ang tingin ni Lito sa partisipasyon ni Iza sa Panday Kids at $64-M question pa kung matutuloy sa June ang primetime soap at dance show at habang naghihintay ng more projects, guest co-host muna si Iza ni Chris Tiu sa Pinoy Records.
Kinontra lang ni Iza ang sinabi ng ama na mag-i-expire na ang kontrata niya sa November this year, dahil hanggang November 2011 pa ang kontrata niya dahil sa one year automatic option at wala pa siyang nakikitang rason para magreklamo.
Pero ang ama ni Iza, sabi’y may time na gusto na niyang kausapin ang management, nagpipigil lang siya at baka ’di tama ang kanyang gagawin. Hinihintay din lang niya kung ano ang sasabihin ng anak at ’pag sinabi nitong walang nangyayari sa career niya, “baka mag-Captain Barbell ako,” sabi ni Lito.
Sabi rin ni Iza, ’pag ’di siya mabigyan ng show within six months, baka lumipat na siya, but for sure, hindi siya pababayaan ng Channel 7 dahil total package na kumbaga ito, maganda na’y may talent pa at project na lang ang kulang para bumulusok ng husto.
* * *
Sa The Last Prince, kahit ayaw ni Almiro (Aljur Abrenica), haharapin ni Lara (Kris Bernal) si Bawana (Bianca King) para ipaglaban ang pag-ibig nila ni Almiro. Bibigyan siya ni Saraya (Bubbles Paraiso) ng sandatang panlaban.
Makakalabas ng kulungan si Adela (Eula Valdez) sa tulong ni Rizayo (Benjie Paras) at gagaling na rin siya sa kanyang sakit. Iiwanan siya nito ng gansang nangingitlog ng ginto at magbabago na ang buhay ni Adela.
- Latest