^

PSN Showbiz

Lucy 'di halatang napagod sa kampanya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May mga pinuntahan ako kahapon kaya hindi ko natapos ang panonood sa P.O.5. Hindi ko tuloy alam kung may nanalo na sa brand new car na pina­­huhulaan. Ang makakahula sa eksaktong halaga ng kotse at ng mga laman nito sa loob ang mapapalad na mananalo.

Ang kaso, mahirap hulaan ang exact price kaya nagbigay na raw ng order si Papa Manny Pangi­linan na ibigay ang kotse sa sinumang maka­ka­hula sa pinakamalapit na halaga. Sosyal debah?

* * *

Pinanood ko rin ang Party Pilipinas na live ka­hapon mula sa Camarines Sur. Pawisan ang mga artista at host ng Party Pilipinas dahil sa mainit na pa­nahon pero dedma sila dahil mas mahalaga na mabigyan ng kasiyahan sa panonood ang mga te­le­viewers at ang mga kababayan natin sa Camsur.

In fairness, malaki na ang improvement ng Par­­­­­ty Pilipinas dahil very young at hip ito. Equal na rin ang exposure ng mga baguhan at mga datihang performers.

Hindi ako sure kung mainstay na si Wyn Wyn Marquez ng Party Pilipinas. The who si Wyn Wyn? Siya ang panganay na anak na babae nina Alma Moreno at Joey Marquez. Ipinakita ka­hapon ni Wyn Wyn ang kanyang husay sa pag­sa­sayaw. Namana ng bagets sa kanyang ina ang galing sa pagsasayaw.

Wyn Wyn ang palayaw niya dahil ipinanganak siya nang mag-win si Joey sa unang sabak nito noon sa pulitika sa Parañaque City.

* * *

Umapir na kahapon si Lucy Torres sa P.O.5. Hindi halata sa mukha ni Lucy na napagod ito sa pangangampanya dahil nakapahinga na siya.

One Sunday lang na hindi napanood si Lucy sa P.O.5 dahil naging busy na siya sa panga­ngam­panya sa Ormoc.

Nang bumalik kaha­pon si Lucy sa kanyang Sunday show, congress­woman na siya. Nag­bago ang kapalaran ni Lucy, apat na araw lang pagka­tapos niyang ihain ang kanyang certificate of candidacy bilang substitute ni Richard Gomez.

* * *

Wala akong masabi sa pag-substitute ni Robin Padilla kay Willie Revillame bilang host ng Wo­wowee.

Basta ang alam ko, marami ang naloka nang maglaro sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga sina John Lapus at Mr. Fu.

Hindi kasi nasagot ni Mr. Fu ang showbiz perso­nality na pinahuhulaan sa Pinoy Henyo. Sa dami ng sagot na oo ni John, hindi nahulaan ni Mr. Fu ang name ni German Moreno.

* * *

Lumipad na kahapon si Richard Gutierrez sa Amerika para sa shooting ng pelikula nila nina Clau­dine Barretto at Anne Curtis.

Sa May 23 pa yata ang umpisa ng shooting pero napaaga ang biyahe ni Richard para makapagpahinga siya.

Hindi naman maiinip si Richard sa condo nila sa Beverly Hills dahil nandoon ang kanyang tatay na si Eddie Gutierrez. Matagal nang nasa Amerika si Eddie dahil siya ang nag-supervise sa renovation ng kanilang sosyal na condo sa Beverly Hills.                                                

vuukle comment

BEVERLY HILLS

DAHIL

MR. FU

PARTY PILIPINAS

PINOY HENYO

SHY

WYN WYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with