^

PSN Showbiz

Aktres naka-Hermes noong kampanya

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Usap-usapan sa isang lungsod ang ginawang house-to-house campaign ng isang aktres na kumandidatong konsehala. Ayon sa aking source, nang magbahay-bahay ito para mangampanya ay naka-Hermes bag siya.

Komento nga ng ilang nakakita sa kanya na dapat ay ’di niya ito ginamit at nagpaka-simple na lang siya. Parang ipinagmamalaki pa raw nito na can afford siya na magkaroon ng ganoon kamahal na bag.

Hiwalay na sa asawa ang aktres na pumasok na rin sa pulitika.

* * *

Dumalaw ako sa bahay ni Angel Locsin at matagal kaming nagkakuwentuhan ng ama ng aktres. Nabili na nito ang bakanteng katabing lote at pinatayuan din ng magarang bahay na magiging karugtong ng unang pinatayong bahay.

Si daddy ang tumatayong financial adviser ng aktres at masinop ito sa pera. Katuwiran kasi ni Angel ay hindi pang-habambuhay ang pag-aartista. Meron na itong ilang investment gaya ng nabiling building sa may Holy Spirit Drive sa Don Matias, Quezon City. Okupado na ang 1st hanggang third floor na nirerentahan ng spa/derm clinic, gym, at iba pa. Ang fourth floor ay para sa kanyang Fuel Up Bar and KTV.

Mayroon itong resthouse sa San Juan, Batangas na iniisip nilang gawing pang-seminar o para sa retreat dahil tahimik at napakaganda ng lugar.

Balak nga rin pala ni Angel na mag-invest sa isang condominium dahil ito ang malaking katuparan ng kanyang pangarap.

Kapag natupad ito, puwede nang maghinay-hinay sa trabaho si Angel at makakapamili na ng proyekto na gustong gawin nito.

* * *

Natuwa kami sa sinabi ni Melai Cantiveros na kahit gusto niyang pagnasaan si Sam Milby ay never yata niya itong magagawa.

“Kasi sobrang bait niya kaya mahihiya akong pagnasaan siya. Binigyan nga niya ako ng cellphone noong birthday ko at lagi niya akong inaalala kung kumain na ba ako. Talagang saludo ako sa kabaitan niya,” ulit pa ni Melai.

* * *

Itatambal si Rhian Ramos kay Aljur Abrenica at hindi naman siya nababahala kahit identified ito kay Kris Bernal. Katuwiran niya, nag-rate ang kanilang Stairway to Heaven katambal si Dingdong Dantes kahit identified ito kay Marian Rivera.

“Tinanggap naman ako ng mga manonood kahit sino ang kapareha ko. I’m glad hindi ako identified sa isang ka-loveteam. Palagay ko magkakasundo naman kami ni Aljur dahil hindi naman nagkakalayo ang aming edad. I’m 19 and he’s 20 years old,” sabi ni Rhian.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANGEL LOCSIN

DINGDONG DANTES

DON MATIAS

FUEL UP BAR

KATUWIRAN

KRIS BERNAL

MARIAN RIVERA

MELAI CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with