^

PSN Showbiz

Kapatid ni Anjo Yllana inatake, patay!

- SEEN SCENE -

Seen: Ang proklamasyon kay Manny Pacquiao bilang congressman ng Saranggani province noong Huwebes ng gabi.

Scene: Cardiac arrest ang ikinamatay ni Robbie Yllana, ang kapatid nina Anjo, Jomari at Ryan. Pangalawang dagok ito sa buhay ni Anjo sa buwan ng Mayo dahil natalo siya sa vice-mayoral race sa Parañaque City.

Seen : Ang pagtataka ng mga Manileño sa pagkatalo ni Joseph Es­trada sa botohan sa Maynila dahil balwarte ito ng dating pangulo.

Scene: Ang live interview kahapon ni Lani Mercado at ng kanyang mga anak sa Unang Hirit, matapos lumabas ng balita na nagtatampo si Senator Bong Revilla sa GMA 7 dahil sa kawalan ng coverage sa kanila noong araw ng eleksiyon.

Seen : Ipinapakita na sa mga sinehan ang trailer ng I’ll Be There, ang first movie team-up ng mag-amang Gabby at KC Concepcion.

Scene : Sina Rico Gutierrez at Mark Reyes ang mga bagong direktor ng Party Pilipinas. Ibinigay ng management ng GMA 7 ang mga request nina Rico at Mark upang mapaganda ang Party Pilipinas.

Seen: Endorser na uli si Kris Aquino ng Belo Medical Clinic. Tinalikuran noon ni Kris ang clinic ni Dra. Vicki Belo dahil sa James Yap-Hope Centeno scandal.

Scene: Tawang-tawa si Carmen Soo sa mga eksena ng Here Comes The Bride kahit hindi siya masyadong nakakaintindi ng wikang Tagalog.

vuukle comment

ANJO

BE THERE

BELO MEDICAL CLINIC

BONG REVILLA

CARMEN SOO

HERE COMES THE BRIDE

JAMES YAP-HOPE CENTENO

JOSEPH ES

KRIS AQUINO

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with