^

PSN Showbiz

Dahil sa patis, maid nayari sa aktor

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natawa kami sa tsika sa young actor na nainis sa mga kasama niya sa bahay dahil ginising para lang hingan ng pera na ipambibili ng patis. Natu­tulog nga naman ang actor dahil galing sa mag­damag na taping, tapos gigisingin lang para mala­mang walang patis sa bahay nila?

No choice ang actor kundi humugot ng pera sa wallet niya para makabili ng patis na kailangan sa pagluluto. Pagkatapos noon, nakatikim ng talak mula sa kanya ang mga kasama nito sa bahay na tama at dapat lang naman.

Nagbibigay ng pang-grocery ang actor para hindi na siya guluhin ng mga ganung bagay and yet, binu­bulabog pa rin siya. Hopefully, natuto na ang mga ka­sambahay ng actor at ‘di na uulitin ang ginawa. Magkano lang ba ang patis, naka­ka­gulat naman kung walang barya ang mga kasama sa bahay ng actor at kailangang humingi pa sa kanya? ‘Buti hindi kami patis lover!

* * *

 Hindi lang pala si Direk Rico Gutierrez ang bagong director ng Party Pilipinas dahil mag-a-alternate sila ni Direk Mark Reyes at sa May 30 na raw hahawakan ng dalawa ang Sunday show ng GMA 7 na iniwan ni Direk Louie Ignacio.

Ang sabi sa amin, ibinigay lahat nina Atty. Feli­pe Gozon at Jimmy Duavit ang mga hininging conditions ni Direk Rico, kaya no choice ito kundi tang­gapin ang offer. Conflicting lang ang naba­lita­an naming pagsisimula ni direk Rico sa Party Pilipinas dahil ang unang nakarating sa amin, sa June pa ito magsisimulang idirek ang show, pero ang latest, sa May 30 na sila magsisimula ni Direk Mark.

Kundi kami nagkakamali, sa Baguio ang tele­cast ng Party Pilipinas sa May 30 at tiyak na aaba­ngan ito ng detractors at loyal viewers ng show. Si Rommel Gacho pa ang magdidirek ng Party Pilipinas bukas na gagawin sa CamSur Water­sports Complex.   

* * *

Nakatanggap kami ng balita na binigyan ni Roc­co Nacino ng bouquet ng white roses si Lovi Poe last Thursday. Kung para saan ang mga bulak­lak, wala pang nakakaalam, pero narinig na­ming inamin ng new actor na crush niya si Lovi.

Kung balak ligawan ni Rocco si Lovi, huli na siya dahil taken na ang aktres at open na ito sa relasyon nila ni Rep. Ronald Singson. “My love” at “my sweet­heart” pa nga ang tawag ni Lovi kay Ronald at tumu­long talaga siya sa kampanya nito para ma-reelect.

Nalaman din naming the day na binigyan ni Rocco si Lovi ng flowers, nakita si Lovi sa Metro­walk na pagmamay-ari nina Ronald at hinihintay ang BF.

Si Rocco talaga, mahilig sa mga babaing taken na. Una si Jennylyn Mercado na may Dennis Tril­lo na, next si Kris Bernal na ka-loveteam ni Aljur Abrenica at ngayon si Lovi. Wala bang maki­tang girl si Rocco na single pa at walang may-ari?

* * *

Inabangan namin kung iti-tweet nina Maxene Magalona at Pauleen Luna ang pagkikita nila sa storycon ng Bakit Kay Tagal ng Sandali, pero waley (as in wala) kaming nabasa. Either dedma ang dalawa sa kanilang pagkikita o ayaw na lang nilang palakihin ang isyu sa kanila’t panget nga naman kung may con­flict sila, eh magkasama sila sa bagong Sinenovela ng GMA 7.

Puwede ring nakinig sila kay Angel Locsin na tuma­tayong president ng Ampalaya Anonymous at nag-effort na ayusin ang kung anumang conflict ng kan­­yang mga member at si Pauleen, kaya tahi­mik ang dalawa after the storycon.

Hindi pa nagti-taping sina Maxene at Pauleen na gaganap na bida at kontrabida respectively at hari­na­wang matapos ang soap ng walang prob­lema. Si Mike Tan ang leading man ni Maxene rito, ang actor ang nakapasa sa audition.

ACTOR

ALJUR ABRENICA

AMPALAYA ANONYMOUS

ANGEL LOCSIN

BAKIT KAY TAGAL

LOVI

PARTY PILIPINAS

ROCCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with