^

PSN Showbiz

Jolo panay pa rin ang padala ng bulaklak kay Melissa

- Veronica R. Samio -

Inamin pareho nina Jake Cuenca at Sam Pinto ng PBB Double Up na kahit may nakaraan sila na ina­akala ng lahat na binabalikan nila, talagang mag­kaibigan lamang sila at masayang binabalikan ang kanilang naka­raan sa set ng Elias Paniki na nagta­tampok kay Jake bilang ika-apat na bida at pang­huli sa unang apat na episode ng seryeng Agi­mat ng ABS-CBN. Remake ito ng mga malalaking pelikula ng dating senador na si Ramon Revilla, Sr. Para sa kan­yang role, nag-undergo ng extensive Muay Thai training si Jake.

Bukod kay Sam Pinto na mas ginustong mag-ar­tista kesa mag-host ng Wowowee dahil hindi niya kakayanin ang araw-araw na paglabas dun, kasama rin ang writer ng isang daily newspaper na nag-aarista na rin, si Kelly Misa na isa sa mga bagong host ng noontime show ng ABS-CBN. Ba­­gaman at si Sam ang talagang kapareha ni Jake sa Elias Paniki, role rin ng isang babaeng may gusto kay Jake ang ginagampanan ni Kelly. Ka­sama sina Xian Lim at Hermes Bautista ng PBB din, gumaganap silang mga albu­laryo na nilala­banan ang kapangyarihan ng mga mangkukulam.

Kinakailangan din nilang mag-training ng martial arts para sa kanilang roles. Katulad ni Jake na sa Muay Thai nagpaka-dalubhasa, ang mga kasa­mahan niya at kina­ilangang matuto sa larangan ng wrestling at jujitsu.

 “Totoong sapakan ang nangyari, walang daya-daya, talagang nagkapasa-pasa kaming lahat sa aming mga fight scenes,” ani Jake.

Bukod kay Jake, nali-link din si Sam sa naging kasambahay niya sa PBB na si Paul Jake. It was him who showed her around nang pumunta siya ng Cebu para mag-host ng isang show. Lumabas pa sila ng bar pero sinabi ni Sam na Paul Jake was just being nice to her. “Walang dapat ipag-alala ang girlfriend niya,” paniniguro niya.

Wala rin daw dapat ikatakot si Melissa Ricks na nababalitang girlfriend ngayon ni Jake dahil magkaibigan lang sila ng actor, kahit madalas ay sila ang magkasama kahit wala na silang eksena sa Elias Paniki.

 “Kuwentuhan lang kami. He’s just being a good host dahil mas nauna siyang mag-artista sa akin. No one knows Jake better than I do dahil 16 pa la­mang siya nung magkasama kami sa modeling. We became good friends pero nothing more than friendship yung naging relationship namin. We were much too young then, 14 lang ako.

 “Malaking tulong si Jake sa akin ngayon. He motivates and guides me,” dagdag pa ni Sam.

 “I’m just being kind to her. She’s an old friend, bagong nag-aartista. Nung bago kasi ako, walang tumulong sa akin. I learned all the ropes by myself,” paliwanag naman ni Jake tungkol sa friendship nila ng baguhang artista.

* * *

Masusundan pa ng apat na mga bagong epi­sodes ang Agimat : Mga Ala­mat ni Ramon Re­villa. Apat na mga bagong karakter na pinasikat ng dating senador ang muling bubuhayin sa TV – sina Kapitan Inggo, Pepeng Kuryente, Bianong Bulag at Boy Putik.

Tatlong mga bagong actor ang magpo-portray sa mga nasabing karakter matangi kay Jolo Revilla na muling gaganap ng isang role na unang ginampanan ng kanyang lolo dahil ang episode niya sa unang apat na Agimat ang nagtala ng pinakamataas na rating.

Ang tatlo pa niyang kasama ay sina EJ Falcon (Pepe), Jason Abalos (Biano) at Enchong Dee (Boy).

Wala pang director at leading lady ang apat na actor pero malamang na si Dondon Santos na nagdirek din ng unang apat na Agimat ang mag­si­sil­bing direktor ng apat na susunod. Nang ta­nu­ngin kung sino ang gusto nilang makapareho, sina­bi ni EJ Falcon na gusto niya si Sarah Ge­ronimo at si Jason either Maja Salvador o Andi Ei­gen­mann. Gusto namang makapareha ni En­chong Dee si Bea Alonzo at ayaw namang pumili ni Jolo.

May isyu pa kina Jolo at Jake dahil patuloy pa rin ang pagpapadala ng bulaklak ng una sa si­nasabing gf ni Jake na si Melissa.

Nagkatambal sila sa Agimat. Binigyang hus­tisya ito ni Jake sa pagsasabing inaalagaan lamang ni Jolo ang leading lady niya at karapatan niya yun.

* * *

Mukhang nalagay sa alanganin o bad light si Joem Bascon nang matanong siya sa isang press­­con kung totoong balak niyang ampunin ang anak ng girlfriend niyang si Meryll Soriano kay Ber­nard Palanca. Pero sinagot na rin niya na ma­hal niya si Meryll at inaasahan na ang pagtanggap niya maging sa anak nito.

vuukle comment

AGIMAT

APAT

ELIAS PANIKI

JAKE

JOLO

MUAY THAI

NIYA

PAUL JAKE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with