^

PSN Showbiz

Pokwang madali nang uminit ang ulo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May bakas pa ng indelible ink ang kuko ni Willie Revillame nang magkita kami sa bahay niya noong Miyerkules.

Nagkita kami ni Cristy Fermin sa parlor ni Bambbi Fuentes at siya ang nagkaray sa akin sa bahay ni Willie pero dumaan muna kami sa art gallery niya sa Quezon City.

Naloka ako nang makita ko ang art gallery ni Mama Cristy sa rami ng mga painting na milyun-milyon ang halaga.

Nalula ako sa magagandang painting at na-touch ako nang bigyan ako ni Tina ng isang bonggang mother and child painting. Si Tina ang sosyal na kanang kamay ni Mama Cristy dahil may sarili siyang stock room ng mga painting. Hindi na siya maabot ‘ha?

Well-rested ang itsura ni Willie nang magkita kami sa bahay niya.

Maraming kuwento si Willie tungkol sa prob­lema niya sa ABS-CBN pero hindi ko pu­wedeng i-share dahil off the record ang aming pag-uusap.

* * *

Hindi matapus-tapos ang kuwento ni Willie tungkol kay Senator Manny Villar. Talagang na­kuha raw ni Papa Manny ang kanyang respeto dahil napaka-gentleman ng presidentiable na sinu­portahan niya.

Napag-usapan din namin ni Willie si Pokwang. Hindi ako nagpatumpik-tumpik sa pagsasabi kay Willie na hindi ko na type si Pokwang dahil hindi ito nagbigay ng abiso o bumusina na ang kalaban ng kandidatong sinusuportahan ni Willie ang kanyang ipangangampanya.

Siya ang kumuha kay Pokwang para maging co-host ng Wowowee.

Narinig ko rin ang tsismis na madali nang umi­nit ang ulo ni Pokwang dahil sa pagod na siya rin ang may kagagawan dahil tanggap siya nang tang­gap ng mga raket.

* * *

Hindi ko ikinagulat ang balita na nagkakaroon na ng attitude problem si Pokwang. Normal sa mga artista na katulad ni Pokwang na nag­ka­karoon ng name ang lumobo ang ulo.

Sinungaling ang artista na magsasabi na hindi nabago ng popularidad ang kanilang mga ugali dahil iilan na lamang ang mga katulad ni Boots Anson-Roa.

Sa ayaw at sa gusto ng mga artista, magbabago ang ugali nila dahil sa lifestyle at impluwensiya ng mga tao sa mundo na kanilang gi­nagalawan.

Hindi ako magugulat kung patulan ni Pokwang ang aking column, magpainterbyu siya habang lumuluha at sumusumpa na never na nagbago ang kanyang ugali. Sa tagal ko sa showbiz, sanay na ako sa mga drama ng mga artista. Napakadali sa akin na hulaan ang kanilang mga career move para makuha ang simpatiya ng mga tao.

AKO

BAMBBI FUENTES

BOOTS ANSON-ROA

DAHIL

MAMA CRISTY

POKWANG

SHY

WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with