Free CD mula sa Kiss Jane
MANILA, Philippines - Ang bagong grupo na Kiss Jane kasama ang kanilang managers ay pumirma ng kontrata kamakailan sa Sony Music para i-distribute ang kanilang debut CD na may titulong Free. Kasama sa album ng Kiss Jane ang Kahit Na single na potential radio hit. Kasama rin sa contract-signing event sina (nakaupo mula kaliwa) Sony Music managing director Rudy Tee, band members Jaq Dionisio (vocals), Heins Capiral (bass), Shiela Rosete (drums), album producer and co-manager Jonathan Ong, (nakatayo) band manager Merwin Tee of MRU Publishing, at Sony Music marketing manager Mario Joson. Hindi nakasama sa larawan ang gitaristang si Jeff de Castro.
- Latest