Kitchen Battles simula na sa Q Channel 11
MANILA, Philippines - Mga kahanga-hangang culinary skills na hinaluan ng suspense, mga of heart-warming na eksena, at bagong flavor ng excitement - ito ang perfect mix para sa Kitchen Battles, ang pinakabagong cooking show ng Q Channel 11 na mapapanood simula ngayong Linggo, May 16!
Kasama ang host na si Zoren Legaspi, annotator na si Issa Litton, at chef judge na si Sau del Rosario, ipapakilala ng Kitchen Battles ang iba’t ibang professional chefs na galing pa sa mga prestigious hotels at restaurants, pati na ang mga chefs na may sariling businesses, bilang mga Chef Warriors ng show.
Bawat linggo, dalawa sa labindalawang Chef Warriors na ito ang maghaharap at maglalaban sa kitchen battlefield para magpagalingan sa pagluluto. Gamit ang star ingredients na ipapaalam sa mismong araw lamang ng competition, gagawa ang maghaharap na chefs ng on the spot na recipes at iluluto ito sa loob ng time limit.
Pangungunahan ni Zoren bilang mastermind ang tatlong rounds ng cook off kada linggo. Si Issa ang magkukuwento sa viewers kung ano ang ginagawa ng bawat chef habang ang tatlong judges – ang French-trained na si Chef Sau, si Zoren, at isang guest judge – ang kikilatis sa recipes at magbibigay ng verdict. Ang criteria for judging ay taste (5 knives), originality (1 knife), plating at presentation (1 knife), at creative use ng star ingredients (3 knives).
Ang mga mananalo ang papasok sa susunod na round ng eliminations hanggang sa mapangalanan ang ultimate Chef Warrior ng show.
Sa pilot episode ng Kitchen Battles ngayong Linggo, ang celebrity Chef Warriors na sina Danica Sotto at Martin Jickaine ang sasabak sa labanan gamit ang star ingredients para makapagluto ng tatlong masasarap na putahe. Isang aksidente ang mangyayari sa isa sa dalawang celebrity Chef Warriors na magdaragdag ng suspense sa episode at tatapos sa three-round kitchen battle.
Tumutok sa Q Channel 11 para sa weekly servings ng Kitchen Battles tuwing Linggo, 7:30pm simula May16.
- Latest