Kampanya sa Twitter, 'Piso Para sa Paglipad ni Kris Aquino'
Tapos na ang eleksiyon. Marami nang kandidatong na-proklama pero hanggang ngayon ay nagluluksa ang isang aktor sa naging magandang kapalaran ng isang pulitiko na ipinagdasal at ikinampanya niyang matalo.
Naging masigasig ang nasabing aktor sa pangangampanya – hindi para iboto ang kanyang manok kundi para ipakiusap na ‘wag iboto ang nasabing pulitiko sa kanilang mga kababayan.
Dumating pa sa punto na gumastos siya – nagpa-print ng anti-campaign materials para sa nasabing pulitiko para sabihin ang kanyang sama ng loob.
Hindi ako tagaroon sa lugar kung saan naninirahan ang aktor. Pero nagkalat daw ang nasabing anti-campaign material hanggang noong Lunes.
Interesting. Read ninyo :
“Ako si (pangalan ng aktor), artista ay nagsusumamo at nagmamakaawa sa mamamayan ng (lungsod na pinanggalingan ng aktor), na sana po ay huwag na ninyo muling iboto si (pangalan ng pulitiko). Ito po ay aking marubdob na pakiusap sapagkat si (pangalan ng pulitiko) ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ng aking asawa na si (pangalan ng aktres), dahil inagaw niya ito sa akin. Mahal na mahal ko po ang aking asawa at aking mga anak at umaasa pa rin po ako na kapag natalo na si pulitiko) at unti-unting maubos ang pera niya ay nagbabaka-sakali ako na baka muling bumalik sa akin si (aktres), at muling mabuo ang nasira naming pamilya.”
Meron pang kasunod na mas matinding statement ang aktor sa kanyang sulat pero masyadong personal at may kinalaman sa bata.
Pahabol ng aktor : “Kaya muli, ako po ay nagsusumamo at sana po ay maunawaan ninyo ako, dahil isa lang akong ama na naghahangad ng ikabubuti ng aking mga anak. Pangarap ng sinumang anak ang isang pamilyang buo, kasama ang ama’t ina.”
Pero sadly, hindi pinakinggan ang pakiusap ng aktor. Dahil nanalo ang nasabing pulitiko.
May pirma ang aktor sa nasabing personal letter na ayon sa ilang nakakita ay pirma talaga yun ng aktor.
Ang akala ng marami ay tapos na ang issue tungkol sa aktor at sa kanyang asawa pero na-activate ito noong bago mag-election.
Well, tapos na ang election. Ano na kayang lagay ng aktor? O baka naman part lang ito ng black propaganda sa nanalong pulitiko.
* * *
Hahaha.
Natawa ako sa nag-circulate na joke sa Twitter kahapon : May isang group daw na nangangalap ng pondo para kay Kris Aquino dahil sure na sure winner na ang kapatid niyang si Sen. Noynoy Aquino – ito ang Piso Para sa Paglipad ni Kris Aquino. At marami na raw gustong magbigay.
Yup, hinihintay daw nilang tuparin ni Kris ang kanyang pangako na aalis ng bansa oras na maging presidente ang kanyang kuya para hindi na ito makagulo.
Si ‘Nay Lolit Solis ang unang nakaalala sa nasabing ‘press release’ ni Kris noong panahon ng kampanya.
Samantala, sinagot ni Kris ang text messages na kumalat kahapon - “Smart users 0nly plz pass dis to 25 users ds is the gift of Kris Aquin0 f0r the win of his br0ther n0y2 aquin0..After u pass ds to 25 smart user just w8 30mins dn check ur balance bc0z the smart give u a ringbck and 150 c0nsumable balance.. Thank u” “PLEASE DON’T BELIEVE! Super FAKE!” sagot ni Kris sa kanyang Twitter.
Kasalukuyang nasa bakasyon si Kris.
Isa pang aliw joke kahapon, sa Twitter ang tungkol kay JejoMAR.
Akala raw ng voters, ang real name ni Mar Roxas ay JejoMAR kaya yun ang binilugan ng mga botante.
Hahahaha.
Pero nakakaloka ang forwarded text joke ni Wilson Flores : one big reason for election win of Congressman Manny Pacquiao, bec of the endorsement & solid-votes of Iglesia ni Krista!
Hala baka magalit ang INC.
* * *
Uy congratulations sa mga friends kong papable na nagwagi sa katatapos na election - Mayor now Congressman Toby Tiangco, Mayor John Rey Tiangco, Rizal Gov. Junjun Ynares, and Congressman Roman Romulo.
Sila ang mga bagong henerasyon ng batang pulitiko na pagkakatiwalaan at maaasahan.
* * *
- Latest