^

PSN Showbiz

Dahil tapos na ang eleksiyon, aktor lilipat na ng network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tapos na ang elections, may mga naproklama ng winners at may mga nauna nang nag-concede, gaya ni Sen. Manny Villar. Aabangan namin kung tototohanin ng isang aktor ang balak na paglipat sa ibang network. Kaya raw iiwan ng aktor ang network na matagal ding pinagtrabahuhan at ini­wan lang sandali nang tumakbo siya sa nagda­ang elections ay dahil nalaman niyang walang pro­ject na naka-line-up sa kanya at kung mabibigyan siya ng show, baka matagal pa.    

Nabalitaan din ng aktor na ’yung show na gusto niyang gawin ay baka sa ibang talent ng network ibigay at hindi sa kanya.

Tingnan natin kung papayagan ng network na mawala sa kanila ang aktor at siguradong magka-counter offer sila. 

* * *

Bumisita kami kahapon sa pansamantalang last taping ni Regine Velasquez sa Diva dahil aalis sila nina Ogie Alcasid, Marian Rivera, at Dingdong Dantes para sa US/Canada tour nila. More than a month mawawala si Regine, kaya nag­pabisita sa taping nito.    

Malalaman namin kung totoong papasok sa Diva si Nadine Samonte at kung totoo, ano ang kanyang magiging role? Aalamin din namin kung magkikita sila ni Glaiza de Castro sa taping o kung magkaka-eksena ang kanilang mga karakter.  

May unresolved conflict ang dalawa at hindi na bumalik ang kanilang friendship. Bago pa ang Am­palaya Anonymous ni Glaiza na kalaban si Pau­leen Luna, una nang nakasamaan ng loob nina Isabel Oli at Jennica Garcia si Nadine.     

Kung matu­loy pumasok si Nadine sa Diva, maging daan kaya ito para tuluyan na silang magkabati ni Glaiza? Ay, ang gandang bumisita sa taping ’pag may eksena ang dalawa. 

* * *

Ibinalita ni Anne Curtis sa Twitter na aprubado ang working visa nina Claudine Barretto at Ri­chard Gutierrez, kaya tuloy ang shooting nila sa States ng movie nilang In Your Eyes na co-pro­duction ng Viva Films at GMA Films at sa direction ni Mac Alejandre.    

Dapat noong Holy Week umalis ang grupo dahil bukod sa Orange County, magsu-shooting din sila sa San Francisco, pero kailangang kumuha ng working permit ang mga producers para hindi patagu-tago ang kanilang shooting at kailangan ding kumuha ng working visa ang cast, kaya naurong ang alis nila.     

More or less, 10 days sa States ang cast at crew, pagbalik na lang siguro ni Anne niya sisimulan ang taping ng Green Rose, ang first TV project nila ni Jericho Rosales at reunion nila after Baler. Pinoy adaptation ito ng Korean TV series at ka­sa­ma sa cast sina Jake Cuenca at Alessandra de Rossi. Action-drama ito at mas bagay kay Jericho kesa kay Sam Milby na unang na-consider na makapareha ni Anne.

* * *

Ngayong Wednesday sa Gumapang Ka sa Lusak, na­ram­daman ni RJ (Rocco Nacino) na si Levi (Den­nis Trillo) pa rin ang mahal ni Rachel (Jennylyn Mercado), kaya magpapa­raya siya. Sasalisihan ni Edmundo (Al Tantay) si Rowena (San­dy An­dolong) at kikidnapin si Joanna (Ja­milla Obispo) at rerey­pin para makaganti kay Levi. Ka­kausapin sana ni Levi si Rachel para mag­pa­liwanag, pero agad ding aalis nang malamang nawa­wala si Joanna.     

Birthday ngayon ni Dennis at may taping sila ni Jennylyn, tiyak na may handaan. Sa May 15 na­man ang birthday ni Jennylyn at kahit wala silang taping, siguradong magkikita sila ni Dennis. Pakikialaman namin ang mga gifts sa isa’t isa ng dalawa.                                                                                                  

AL TANTAY

ANNE CURTIS

CLAUDINE BARRETTO

DINGDONG DANTES

GLAIZA

GREEN ROSE

GUMAPANG KA

KUNG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with