^

PSN Showbiz

Pauleen nagkasakit sa sobrang pag-iisip

- Veronica R. Samio -

Sa kabuuan, maganda naman ang naging re­sul­ta ng tinatapos pang eleksiyon. Mabilis na lu­ma­bas ang resulta kahit pa nakaranas ng matin­ding pagod ang mga bumoto. Binigyan naman ng kon­­siderasyon ang maraming senior citizens dahil kahit anong oras silang dumating sa mga pre­sinto nila ay agad silang pinaboboto pero ’yung mga medyo kabataan pa ay pumila ng hindi kuku­langin sa dalawang oras para lamang makaboto.

Unfortunately, tinanggap na lamang ng mga hin­di nakaboto ang kanilang kapalaran dahil wala ni sinuman sa mga nakatalaga sa mga presinto ang may paliwanag tungkol dito.

Dalawa sa pamilya ko ang hindi nakaboto dahil nga wala sila sa list of voters.

Nung umaga, may isang kandidato na na­ma­­hagi ng pera para lamang huwag nang bu­moto ang mga tumanggap at manatili na lang sa ka­ni­lang mga bahay. May isa pa ring lalaki sa aking pre­sinto ang dinala ng mga pulis dahil bumibili ng boto.

Nakalulungkot na sa dinami-dami ng mga ar­tis­tang nakikitang mananalo sa elek­siyon na tulad nina Vilma Santos, Her­bert Bautista, Lucy Tor­res-Gomez, Manny Pacquiao, Bong Revilla, Jing­goy Estrada, ER Ejercito ay na­mi­ligro pa ang kandidatura ni Cesar Montano sa Bohol.

Sa kabuuan, masaya na ang mga tao sa ki­na­­hinatnan ng eleksiyon. Surprising ang big­lang pag­­­bulu­sok ni former Pres. Joseph Erap Es­tra­da sa pagka-pangulo at naunahan pa niya sina Man­ny Villar at Gibo Teodoro na ina­asa­hang mahigpit na makakalaban ni Noynoy Aqui­­no.

Malaki ang nagawa ng infomercial ni Erap na kung saan nakitang nag-sorry sa kanya sina Tita Cory Aquino at ang sim­ba­hang Kato­liko. Obvious na may naga­wang kasa­lanan sa kanya ang mga nabanggit pero mas marami ang pumili sa isang bagong pa­ngalan at wala pang karanasan para pamu­nuan sila. Lahat sila ay nag­darasal na sana may ka­pun­­ta­han ang ginawa nilang desisyon.

* * *

Talk of the town na naman si Snooky Serna hindi lamang dahil sa nakikita siyang naglalaro ng EGames kundi sa sinabi niyang hindi imposible na magmahal siya ng isang kapwa niya babae kapag nakakita siya ng magu­gustuhan niya.

Kung sakali, hindi siya nag-iisa rito, maraming katulad niyang babae ang nakakita na ng langit sa piling ng kapwa nila babae na katulad din ng ma­­raming lalaki na nagsa­sa­ma ngayon bilang mag-asawa. May iba pa nga na nag­­­pakasal pa para makum­pleto ang ka­nilang ugnayan.

Tatlong ulit nang nasasawi sa pag-ibig ng lalaki ang ma­ganda pa rin at ma­galing na aktres. Hindi ko sinasabi na tama at kinukunsinti ang pag­sa­sama ng dalawang tao na may parehong kasarian pero kung sa ganitong paraan sila lumiligaya, sino tayo para pigilan sila?

Bahala na lamang ang Diyos na humatol sa kanila pagdating ng panahon.

* * *

Usap-usapan pa rin ang hidwaang nagaga­nap between the host of Wowowee at ni Jobert Su­caldito. Ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit wala pang ginagawa ang ABS-CBN tungkol dito. Sino ba ang pahi­hingin ng sorry kanino? Sa haba nang pana­nahimik ng network, kina­kai­la­ngan na siguro nilang mag­salita nga­yon para mabigyan na ng linaw ang lahat.

* * *

Bakit naman pinagkakaisahan ng isang grupo si Pauleen Luna na siguro ay dahilan ng kanyang pagka­kasakit lately? Mahirap talaga ’pag may kinikimkim kang sama ng loob, lumilitaw ito bilang sakit.

At bakit ang pag-aaway ngayon ay idinadaan sa Internet? Para sa akin ka­du­wagan ito. Kung may sama ka ng loob o galit sa isang tao, dapat hara­pin o komprontahin mo siya. Mas madaling resol­bahin ang mga prob­lema sa ganitong paraan, wala pang mas­yadong nakikialam at nakakaalam.

’Yung mga artista namang nag-aaway-away, tigilan n’yo na ’yan! Mag­kasundu-sundo na kayo. Nakakahiyang nag-aaway kayo sa Internet. It’s like washing your dirty linens in public. Lalong kahiya-hiya kung ang pinag-aawayan n’yo ay isang lalaki.

BONG REVILLA

CESAR MONTANO

CORY AQUINO

GIBO TEODORO

JOBERT SU

JOSEPH ERAP ES

LUCY TOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with