Pakikipagbati ni Osang sa mga Revilla pinagdududahan
Marami sa mga dating malapit sa reporter-friends ni Rosanna Roces ang diskumpiyado sa ginawang peace offering nito kamakailan sa pamilya Revilla, most specially kay Lani Mercado. Hindi dahil hindi kami naniniwala sa gasgas nang linyang ‘‘let’s give peace a chance,’’ kundi sa karakter ni Osang who’s known for saying one thing and doing another.
Sa mga unprintables na pinakawalan noon ni Osang laban sa mag-asawang Senator Bong at Lani (even the one episode of Juicy which was not aired), mahirap paniwalaan that Osang has shifted from bad to good image at a snap of a finger!
If Rome was not built in a day, Rosanna’s character could not be rebuilt overnight. Duda nga ng marami, there had better be a compelling reason kung bakit nakipagbati si Osang sa mga Revilla. Hindi kapani-paniwala na isinasangkalan niya ngayon ang kanyang apo at ang kapakanan nito.
Matatandaang ito nga ang naging ugat ng paghuhuramentado niya noon, hindi pa man isinisilang ang bata.
* * *
Nagsimula na noong Sabado, pero marami pang Sabado ang bubusog sa mga tumatangkilik ng pinatindi pang Gusto Ko Noon noontime block ng TV5 as two of its top-rating Koreanovela have begun marathon airing.
Mula alas-onse ng umaga hanggang ala-una ng hapon ang First Wives Club, samantalang from 1 to 3 p.m. naman ang Smile Honey. Marathon airing provides the viewers a longer, more engaging time to enjoy the episodes they may have missed.
Pero sa apat na Koreanovelang handog ng TV5 mula Lunes hanggang Sabado, pulling away ang itinatalang ratings ng My Wife is a Superwoman, eating up a large chunk of audience share on the 11:45 a.m. time slot.
* * *
Much has been said and written about Willie Revillame’s highhandedness sa isyung kinasasangkutan nila ng kaibigang Jobert Sucaldito. Nung araw na inaasahan marahil ng aroganteng TV host na wala na ang anino ni Jobert sa ABS-CBN, hayun ang aming long-haired friend in an all-white ensemble hosting the grand presscon of Rosalka!
Bale ba, ang ibang mga kaibigan ko sa naturang istasyon are rooting for Jobert sa halip na makisimpatya sila kay Willie. Hindi ko na ginatungan si Jobert sa ‘‘given’’ nang kayabangan ng kanyang kaaway, bagkus alam kong flattered ito sa kanyang leveled-up stature. Imagine, pinag-aksayahan siya ng air time ni Willie?
Tawa nga lang nang tawa si Jobert, knowing him, he’s enjoying every ounce of Willie’s tirade. Leveling na rin lang ang pinag-uusapan, feeling ko, Jobert is the real-life counterpart of Rosalka (played by Empress) na inaapi-api, kinukutya at hinahamak pero mahal ng Diyos.
Unlike Willie who, in real life, is an anti-hero. Alalahanin niya, tapos na ang eleksiyon… if you know what I mean, Salve dear.
- Latest