^

PSN Showbiz

AiAi mali ang desisyon

- Veronica R. Samio -

Kung hindi pinagpareha ng pagkakataon sina Melissa Cantiveros at Jason Francisco nang magkasabay silang manirahan sa prog­ramang Pi­noy Big Brother (PBB) bilang house­mates at doon napaibig ang maraming ma­nonood dahil sa pagiging natural nila (hanggang ngayong nagka­kapa­­­­­ngalan na sila ay ganoon pa rin ang ka­nilang kilos at pag-uugali), tuloy naman ang pag­sasa­mang matamis ng dalawa sa labas ng Bahay ni Kuya.

Hindi maililihim ng dalawa ang nabuong relas­yon na maituturing na mas magkaibigan kesa mag­nobyo. Iisipin mo na sumasabay lang sila sa agos at ibinibigay na lamang ang inaasahan ng tao.

“Bago kaming dalawa, mas iniisip namin ang aming mga pamilya. Sila ang dahilan kaya sumali kami sa PBB at kahit na natapos na ito, sila pa rin ang dahilan kung bakit ’andito pa kami ni Jason,” pauna ng babaeng taga-Gen San.

“Susubukan naming maging artista kahit ma­hirap, bahagi ito ng pananalo namin sa PBB. Ka­hit madalas, inisip ko na parang mahirap maging artista, mas madali kong mapapaganda ang buhay namin sa probinsya kung maiaayos ko ang tra­baho ko. Yes, I consider being an artista as work, mahi­rap pero enjoy ako na may mga fans na kami ni Jason, mababait sila at gusto lang nila na mag­tagumpay kami.”

Sabat naman ni Jason: “Tama si Melai, marami na kaming fans, at ipinararamdam nila na mahal nila kami at kung anu-ano ang ibinibigay nila. Minsan nahihiya ako pero mas nakakahiya kung tatanggihan namin ’yung mga ibinibigay nila. Baka sila magtampo. Pero sana huwag na silang gu­mastos pa, tama na ’yung mahal nila kami.”

Marami ang nagsasabi na nagsasama na sila sa iisang bubong, totoo ba ito?

“Naku, hindi po. Iisang lugar lang po ang inu­uwian naming condo, pero magkaiba kami ng unit. Hindi po naman kami papayag na magsama na dahil hindi pa po naman kami kasal at malayo pang mangyari ito dahil may mga obligasyon pa kami sa buhay,” paliwanag ni Jason.

Sa kanya namang mabilis na pagsasalita at paggamit ng mga salitang imbento lamang niya, ipinaliwanag din ni Melai na okay din silang mag-boy­friend muna ni Jason. Hanggang dito lang muna ang relasyon nila.

“Sana kami na nga pero wala namang maka­kahula ng future. Baka makakita pa siya (Jason) ng iba at ako baka rin, pero sa ngayon, kami ang magkarelasyon. Happy naman kami sa isa’t isa,” diretsong katuwiran ni Melai who will be seen on May 17, Lunes, sa kauna-unahang 13-week Pre­cious Heart Romance series, ang Impostor, na pag­bibidahan din ng ilan sa pinakasikat na Ka­pa­­­­milya stars kabilang sina Precious Lara Qu­i­ga­man, Jon Avila, at Prince of Romance Sam Mil­by, at ang Drama Sweetheart na si Maja Sal­vador.

* * *

Parang disappointed ako sa pagiging mali ng de­sisyon ni AiAi delas Alas na piliin ang isang gru­po ng mga singers kesa sa isang mas magaling and more deserving na finalist sa Pilipinas Got Talent nung Linggo ng gabi. And as if adding insult to injury dahil hindi na niya ibinoto ang napili nina Kris Aquino at Fred­die Garcia, nag-comment pa siya ng hindi maganda dito na uncalled for dahil isa siyang judge and as such should not be playing favorites.

Ilang beses ko na ring pinuri si AiAi sa maganda niyang paghusga sa mga suma­sali sa Pilipinas Got Talent pero talagang mali siya ng pinili para manalo nung Ling­go. Mas magaling ’yung guwapong singer/pianist kesa sa grupo ng mga singers na nag-iyakan nang matalo.

* * *

May isang anak na lalaki si Melanie Marquez na sa gulang na anim na taon ay feel agad niya na tutulad sa kanya na magiging artista rin.

Ito ang bunso niyang si Abraham Lawyer na enjoy na enjoy sa paninirahan nila sa rancho.

“At his age, carbon copy ko na siya, parang lalaking Melanie. He is his dad’s fa­vorite. Magaling na siya kumuha ng mga pictures. Magaganda ang action shots niya sa rancho. Pero sabi niya, gusto niyang mag-artista. Siya siguro ang mag-aak­yat sa akin ng malaking pera balang araw bilang artista. Okay naman sa akin pero sa ngayon mag-aral muna siya,” say ng beauteous mom na bumisita na naman ng bansa kamakailan.

ABRAHAM LAWYER

BIG BROTHER

DRAMA SWEETHEART

KAMI

MELAI

NILA

PERO

PILIPINAS GOT TALENT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with