^

PSN Showbiz

Talent manager lumobo na ang ulo

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nakakuwentuhan namin si Melisa Cantiveros, Pinoy Big Brother Double Up big winner na kasama sa teleseryeng Impostor na tinatampukan nina Sam Milby at Maja Salvador. Kasama rin ang sinasabing BF ni Melai na si Jason Francisco, PBB third placer.

May kissing scene sina Sam at Melai pero accidental lang.

“Kailangan ang CPR sa eksena kaya naghalikan kami. Dun nahirapan si Melai dahil nahiya siya,” pagbubuking pa ng aktor.

Natatawa naman ang PBB housemate dahil hindi siya nakapagsepilyo bilang paghahanda sa kissing scene dahil nag-take agad at sumunod naman ito kay Direk Jerome Pobocan.

“Kaya nga hindi ko maibuka ang aking bibig at nakalapat lang ito at nahalikan ako ni Sam. Wala naman akong bad breath,” kuwento ni Melai.

* * *

Sana nga ay makapasok si Risa Hontiveros sa Magic 12 na sinorpresa ni Ogie Alcasid nang magpa-presscon ito kamakailan,

Kahit si Dingdong Dantes ay sumusuporta rin kay Risa dahil sa pagiging kampeon ng Filipino youth dahil sa kanyang pagiging author ng SK Reform bill, magna carta of students rights and assistance to newly graduates na swak sa four-point youth agenda sa AYOS NA! movement na pinagkakaabalahang adbokasiya ni Dingdong Dantes.

* * *

Malaki talaga ang ipinagbago ng bading na manager ng isang sikat na network. Komo sikat ang kanyang mga alaga ay lumobo na rin ang ulo ng manager. Kung noon ay palabati ito sa press people, dadaan-daanan ka na lang nito ngayon.

Hindi naman habang panahon na sikat ang kanyang mga alaga, ’di ba? Akala namin ay hindi siya nagbago pero napatunayan namin ang mga reklamo sa kanya ng maraming entertainment press.

vuukle comment

CANTIVEROS

DINGDONG DANTES

DIREK JEROME POBOCAN

JASON FRANCISCO

MAJA SALVADOR

MELAI

OGIE ALCASID

PINOY BIG BROTHER DOUBLE UP

RISA HONTIVEROS

SAM MILBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with