Billy Crawford mukhang tomboy sa bagong hairdo
Ang luwag ng Maynila pero sa airport ng Bacolod pa kami nagkita ni Gabby Concepcion na kung saan ilang saglit din kaming nagkuwentuhan bago ako sumakay ng eroplano pabalik ng Maynila. Bago kami naghiwalay nahingan ko si Gabby ng donasyong 20 silya para sa Metropolitan Theater. Assigned ako sa pagpapasilya ng buong teatro.
Galing ako sa La Carlota sa imbitasyon ni Kitchie Benedicto para maging isa sa mga hurado sa isang beauty contest na itinataguyod nila run. Parang nasa Maynila rin ako sa ganda ng presentasyon na ginawa nila. Sina Jake Cuenca at Iya Villania ang naging hosts. Nagsayaw naman sina Rainier Castillo at Maja Salvador, kumanta naman ang pride ng Eat Bulaga na si Jude Michael.
* * *
May nakakatawang kuwento si Shalala nang magsagala ito sa isang Santacruzan kasama si Diego. Nagreklamo ito dahil ang layo raw ng nilakad nila tapos wala daw food. Talagang nagutom sila. Pagkatapos daw nun ay tatlong araw siyang nilagnat.
Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi lang extra money ang hangad niya kundi variety din sa pare-pareho nang pangyayari sa buhay niya. Gusto rin niya ng entertainment, yun nga lang nabulilyaso pa.
* * *
Kahapon ko ba naikuwento yung panlalait na tinanggap ni Barbie Forteza dahil sa naging suot niya nung Star Awards for Movies? May komento pa rin ako tungkol dito.
Dapat ang artista, nagbibihis pag dumadalo sa mga ganitong pagtitipon - strictly formal affairs ang mga ito at bagaman at may mga kaswal ng kasuotan na puwede na sa mga ganitong pagtitipon, marami pa rin ang hindi.
Hindi naman kailangang mahal, pero yung babagay sa inyong katayuan bilang artista. Kung malaki ang kita n’yo eh di go nang nakasuot ng designers’ outfits. Pero huwag namang naka-rubber shoes kahit pa kopya ito sa sikat sa Hollywood.
* * *
Billy Crawford, anak, hindi bagay ang bago mong hairdo sa iyo. Huwag mong ikakagalit, pero lahat ng nagtitext sa akin ay nagsasabi na nagmukha ka raw tomboy. Ibalik mo na lang kaya sa dati ang hairstyle mo. Huwag mong i-risk yung napakarami mong supporters and fans na ayaw sa bago mong hairstyle na ayaw sa buhok mo.
- Latest