^

PSN Showbiz

Kaya bumalik ng Canada, Nora Aunor ayaw mag-lip synch

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Patuloy pa rin sa paghihintay kay Nora Aunor ang marami niyang fans dito sa bansa. May commitment pa kasing dapat siyang tuparin sa Canada. Ikalawang punta na niya ito roon, nung una kasi ay hindi siya nakakanta dahil wala siyang boses. Kai­langan lamang na talagang dumating siya para makita nila na talagang wala siyang boses.

May nagpayo sa kanya na mag-lip synch na lamang. Maku­kuntento na raw ang tao basta makita siya pero ayaw niya, si­nabing never niya itong ginawa sa career niya, kaya bumalik siya ng Canada.

Nanghihinayang naman ako dahil planado na ang lahat para sa pagdating niya, buti na nga lang at hindi ako nakipag-pinal sa lahat ng dapat niyang gawin dito, kung hindi mahuhulog ako sa ere, at mabibitin. I thought mas mabuti nang hintayin mu­na siyang du­mating bago gumawa ng plano, para hindi naman mala­gay sa alanganin yung nga nagtatrabaho dito para sa kanya.

* * *

Dapat lang naman talagang ‘di iwan ni Rochelle Pa­­­ngilinan ang grupo niyang Sexbomb. Ngayon pang kailangang-kai­langan nila siya. Gawin niya ito kapag talagang na-establish na ang grupo at kaya nang wala siya. Sayang naman kung mauwi sa wala ang pinaghirapan ng manager nilang si Joy Cancio.

Nakakahinayang lang na sa tagal ng Daisy Siete sa ere, kakaunti ang talagang nakilala. Aside from Ro­chelle, sina Jopay Paguia, Izzy Tirazona at Sun­shine Garcia lamang ang ihiwalay mo man sa grupo ay makikilala pa rin. Pero aapat lang sila eh, napa­ka­raming members ng Sexbomb.

Kasalanan din ito ng manager nila. Ilan lamang ang pinakinang niya. Pero marami pang op­portunities.

Baka makahabol pa sila.

DAISY SIETE

IZZY TIRAZONA

JOPAY PAGUIA

JOY CANCIO

NIYA

NORA AUNOR

PERO

ROCHELLE PA

SEXBOMB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with