Cebuana bagong Aliwan Festival Queen
MANILA, Philippines - Kinoronahan bilang Aliwan Festival Queen ang Cebuanang si Rizzini Alexis Gomez sa maningning na seremonyang nagwakas sa taun
ang Aliwan Fiesta noong Sabado ng gabi. Ang 19 anyos na anak ng dating PBA player na si Ruel Gomez, ay tinanghal din bilang best in swimsuit at best in evening gown.
Pumangalawang puwesto si Angelie Joy Golingay ng Iloilo, at hinirang namang runners-up sina Maricel Gabalfin ng Mabalacat, Pampanga; Shihan Go ng Kalookan; at Mariel Joyce Pascua ng Tampakan, South Cotabato, na nakuha rin ang mga parangal bilang Miss Talent at best in festival costume.
Kabilang sa mga bumuo ng inampalan ang kilalang fashion designer na si Edgar San Diego, ang dating Miss Earth na si Priscilla Mereilles, ang dating MTV Fashionistas Best Model of the World na si Raphael Kieffer, ang kilalang supermodel na si Evita Bunyi, at ang assistant station manager ng DZRH na si Deo Macalma.
- Latest