Sam pinagpuyatan ni Dra. Belo
MANILA, Philippines - Pumasok na ang character ni Doktora Vicki Belo sa Diva ng GMA 7. Gagampanan niya ang sarili niya - bilang isang pamosong cosmetic surgeon na magpapaganda kay Sam, ang character naman ni Regine Velasquez.
Abangan kung paano maaalis ang malalaking kulugo sa mukha ni Sam para maging maganda siya. Sa sandaling maging singing diva na siya, magiging si Melody na ang character niya.
Sa loob mismo ng Belo clinic sa Morato nag-taping ang Diva, kung saan gagawin ni Doktora Belo ang mga importanteng procedures para pagandahin si Sam. Nakuhang mapa-arte ng director na si Dominic Zapata sa harap ng camera ang sikat na doktora kasama si Regine.
Dalawang araw nag-taping si Doktora Belo na inabot hanggang madaling araw, pero game na game siya sa kanyang mga eksena. In between breaks, makikitang nag-aaral pa siya ng kanyang script para sa kanyang mga dialogue.
Hindi lang pagagandahin ni Doktora Belo si Sam sa Diva, aampunin pa ng mabait na doctor si Sam, na nangangarap na maging sikat na singer.
Anyway, heto ang mga eksena na dapat abangan :
Masyadong atat si Sam na makita na ang itsura niya kahit may benda pa sa mukha.
Maiimbitahan si Elvis na maging guest speaker sa tahanang walang haligi. Tila inis si Tiffany na isang ‘talent’ lang ang tingin sa kanya ni Martin.
Patuturuan kay Smith na sumayaw ang mga in-mates.
Isasama ni Dra. Vicki Belo si Sam sa tahanang walang haligi.
Ikukuwento ni Elvis kay Paula ang babaing nakabenda na parang si Sam.
Aaminin ni Sam kay Dra. Vicki Belo na tatay niya si Elvis.
May abogadong tutulong kay Smith sa tulong ni Dra. Vicki.
Muntik nang masisante si Gary. Sisitahin niya si Eva at muntik nang sabihin ni Managglo na si Eva ang tunay niyang ina.
Tatanggalin na ni Dr. Rey Toke ang benda ni Sam.
Ang Diva ay ang kauna-unahang kanta-serye sa Philippine television na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 ng gabi sa Kapuso network.
- Latest