Pelikula ng Hollywood actor-producer ipinakiusap sa Solar Films
MANILA, Philippines - Tuwang-tuwa ang Hollywood-based na actor-producer na si Ace Cruz dahil unti-unti nang nagkakaroon ng linaw na maipalabas ang pelikulang Outrage sa mga local cinemas na kanyang dinirek at kung saan kasama rin siya sa major cast.
Nakipag-meeting na si Ace sa Solar Films boss na si Wilson Tieng upang mai-release sa mga sinehan dito ang science fiction movie na umani ng mga awards sa Hollywood last year. Bukod kay Ace, tampok din sa Outrage sina Michael Madsen (Sin City, Reservoir of Dogs), Natasha Lyonne (ng American Pie 1 & 3), Michael Berryman (Devil’s Reject, One Flew Over the Cocko’s Nest), at Pauly D na executive producer at investor sa movie.
Lilipad ngayong May 9 patungong Cannes, France si Ace upang dumalo sa Cannes Film Festival upang i-market ang lahat ng pelikulang kanyang ginawa sa Gorilla Pictures, isang US-based distribution company na representative rin ng lahat ng mga movies ni Manny Pacquiao. Pero bago siya pumunta ng Cannes, nag-stay muna ang Pinoy actor-producer sa Boracay para i-conceptualize ang next international project niya.
Nagkaroon na ng theatrical release ang Outrage sa Atlanta, Georgia at magkakaroon ito ng Hollywood release sa July at US DVD release sa Aug. 25 ngayong taong ito. Para mapanood ang trailer ng movie, mag-log on sa www.outragemovie.com at para makita rin ang husay ni Ace bilang actor at director.
- Latest