Show nina Allan K at Eugene: A bar, minus the comedy
No doubt, the so-called indie (independent) films are in vogue. Maaaring tinipid in terms of budget, but the artistic element is not compromised.
Tama nga ang suhestiyon ng isang rabid supporter ni Vilma Santos, it’s about time the seasoned actress did an indie film lalo’t ang ganitong uri ng panoorin has gained strong ground among film critics and award-giving bodies alike.
Nakasalubong ko on my way to the restroom sa GMA 7 si direk Cesar Apolinario na tinanghal bilang Best Digital Movie Director sa Star Awards for Movies for his film Puntod. Unlike his movie Banal, an entry to the Metro Manila Filmfest years ago that won for him top awards, isang indie film ang Puntod whose production cost almost siphoned off his bank savings.
Meanwhile, ang tumalo naman sa mga de-kalibre at mainstream movies nitong Urian ay ang pelikulang Kinatay ni direk Brillante Mendoza, na nag-uwi rin ng Best Director Award sa Cannes Film Festival last year. Sa indie film ding Lola ni direk Dante pinagsaluhan nina Anita Linda at Rustica Carpio ang Best Actress award.
Wala ngang duda that the current trend is veering towards low-budget yet quality films na puwede pang makipagpukpukan in the global market. So who says na sisinghap-singhap ang industriya ng local filmmaking where anyone can be an indie film producer the drop of a hat?
* * *
Magkakanya-kanya na ang loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, pero ang mas pinag-uusapan (o pinag-aaksayahan ng panahon?) ay ang patuloy pa rin na relasyon nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.
Sa Sapul Sa Poll segment ng Startalk, nangalap ng viewers reaction tungkol sa still-going affair ng dalawa.
Eighty percent plus ang naniniwalang they’re still playing beautiful music together. Ito’y sa kabila ng confession nina Vicki at Hayden na magkaibigan na lang sila.
Kapwa respetado sa larangan ng medisina sina Vicki at Hayden. Kung dati’y mundo lang ng pulitika at palakasan has made a successful crossover to showbiz, isama na natin ang medical field na kinabibilangan ng dalawa.
Pero sumobra na ang pagka-showbiz nina Vicki at Hayden, na animo’y mga produkto ng Starstruck na hindi na bagay sa kanilang mga edad.
* * *
Ang pagtakbo ni Anjo Yllana sa pulitika ang dahilan kung bakit kinailangang i-reformat ang Cool Center nila ni Eugene Domingo, hence the birth of Comedy Bar retaining Uge with Allan K as co-host.
Mataas ang expectations ng viewers sa ipinalit na show, comedy bar being Allan K’s turf to which he traces his humble beginnings. Idagdag pa si Uge who’s the latest comedic talent to reckon with.
Sadly, Comedy Bar needs a overhaul. Prangkahan, hindi ito nakakatawa tulad ng inaasahan ng mga manonood.
It’s a bar, minus the comedy.
- Latest