Pinakasalan ni Carlene ayaw ng kanyang nanay
Mama Salve, alam mo ba na kilala na ang tao na source ng lumang litrato ni Sarah Geronimo?
Ito ang litrato na kulay dilaw ang suot na t-shirt ni Sarah at pinalalabas na hindi siya loyal sa mga kandidato na kanyang sinusuportahan dahil parang naka-L sign ang kanyang daliri.
Taga-showbiz ang source ng litrato at identified siya sa partido na kalaban ng mga kandidato na sinusuportahan ni Sarah.
Luma na pala ang litrato at kuha yata ito, three or four years ago. Klaro ang motibo nang nagkalat ng picture ni Sarah. Gusto niya na i-discredit si Sarah at maging questionable ang credibility nito.
Pero hindi nagtagumpay ang maitim na balak ng source dahil lumabas ang katotohanan na old picture ‘yon ni Sarah. Nakakahiya siya ‘ha?
* * *
“No comment” ang nanay ni Carlene Aguilar sa isyu na hindi siya pabor sa pagpapakasal ng kanyang anak kay Yo Ocampo.
Nagkita ang mag-ina sa international airport noong Linggo dahil dumating mula sa Amerika ang nanay ni Carlene at kasama nito ang apo na si Calix.
Si Carlene ang sumundo sa anak nila ni Dennis Trillo. Magkahiwalay sila ng sasakyan ng nanay niya nang umalis sila sa international airport.
Hindi pa yata tanggap ng mga magulang ni Carlene ang desisyon na ginawa ng kanilang anak kaya malaking challenge ito para kay Yo. Kailangang patunayan ni Yo na hindi sila nagkamali ni Carlene na magpakasal.
* * *
American citizen si Calix dahil isinilang siya ni Carlene sa Amerika. Walang problema ang bagets kahit magparoo’t-parito ito sa US.
Malaki na ang lovechild nina Dennis at Carlene. Habang lumalaki, lalong nagiging kamukha ni Carlene ang panganay nila ni Dennis.
* * *
Nag-promise ako kay Alfred Vargas na ibabahagi ko sa PSN readers ang kanyang mga vision para sa mga botante at residente ng District 2 ng Quezon City. Qualified na qualified si Alfred na maglingkod dahil sa kanyang mga kaalaman at karanasan.
Ang mga sumusunod ang mga A-L-F-R-E-D ‘vision’ ni Alfred.
A- Arts - Pagyamanin at ipagmalaki ang kulturang Pilipino. Tulungan at sanayin ang mga kabataang may taglay na kakayahan upang mahubog ang kanilang talento.
L-Livelihood and Land (Kabuhayan at Palupa) - Palawakin ang skills and training program ng pamahalaang lungsod para sa mga nais magtayo ng sariling negosyo. Micro finance program para sa mga nangangailangan ng puhunan. Ayusin at bigyan ng seguridad ang mga informal settlers upang magkaroon ng sariling bahay at lupa.
F- Food production ( pagkain ) - Bigyan ng sariling kakayahan at kaalaman ang bawat pamilya sa produksiyon ng sariling pagkain upang makatipid sa gastusin.
R-Recreation Centers - Magtayo ng mga ligtas at malinis na pasyalan at pasilidad para sa kabataan at senior citizens. Mailayo ang mga kabataan sa mga masasamang impluwensiya tulad ng droga at gulo.
E- Education and Environment ( Edukasyon at Kalikasan )- Dagdag na kagamitan at pasilidad sa mga pampublikong paaralan. Training programs para sa mga guro. Values education programs para sa paghubog ng mga displinado at responsableng mamamayan. Pagtatag ng green zone at epektibong sistema ng waste segregation sa bawat barangay.
D- Development of Health Centers and Support for Persons with Disability - Dagdag na supply ng mga pangunahing gamot sa mga barangay health center. Regular na pagbisita ng doktor, nurse at dentista. Tulungan at ipaglaban ang mga karapatan ng mga may kapansanan.
- Latest