^

PSN Showbiz

American Idol finalist may show sa Maynila

-

MANILA, Philippines - Merong show sa Midtown Atrium, Robinsons Place, Manila sa Mayo 4 ang Season Eight American idol na si Allison Iraheta.

Sa kanyang show na inihandog ng Channel (V), maririnig ang kanyang mga hits na kasama sa debut album niyang Just Like You tulad ng Friday I’ll Be Over U at ang bago niyang single na Scars.

Bumili ng kopya ng album sa activity area sa Mayo 4 para maipa-autograph ito kay Iraheta.

Natupad ni Iraheta ang matagal na niyang pangarap nang maging isa siya sa final four contestant ng Season Eight. Napahanga ng 17 anyos na singer na tubong Los Angeles ang mga hurado ng American Idol at ang mga ma­no­nood dahil sa kanyang galing sa pagtatanghal.

Pinaka-memorable na performances ni Iraheta ang isang take mula sa No Doubt hit na Don’t Speak. Paborito rin ng mga manonood ang version ni Iraheta sa I Don’t Want to Miss a Thing.

ALLISON IRAHETA

AMERICAN IDOL

BE OVER U

FRIDAY I

I DON

IRAHETA

JUST LIKE YOU

LOS ANGELES

MIDTOWN ATRIUM

NO DOUBT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with