Bigating imported singers darating sa bansa
MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang laki, nakumpara sa blue moon phenomenon ang nalalapit na Then and Now concert sa Mayo 15 sa SM Mall of Asia.
Darating dito mula sa Amerika ang mga bigating singers na sina JoJo, Diana King, Frankie J, Baby Bash, PM Dawn, SWV, All-4-One, TQ, at V-Factory.
Sinabi ng president at chief executive officer ng Divan Media Group na si Janeth Chang na layunin nila na mabigyan ang Filipino audience ng isang konsiyerto na minsan lang mangyari.
Tinawag din ang konsiyerto na Massive Music Festival 2010 dahil ito ang klase na hindi basta malilimutan ng makakapanood.
Ang R&B quartet na All-4-One ang nasa likod ng revival ng The Thymes ’63 classic na So Much In Love na siya nilang naging 1994 chart-topping single at cover ng country ditty na I Swear.
Nagsimula naman sa R&B group na Coming of Age noong dekada ’90 si TQ (Terrence Quiates).
Ang New Jersey hip duo na PM Dawn ang siya namang multi-platinum selling R&B act na binuo ng magkapatid na Attrell Cordes (aka Prince B, the Nocturnal) at Jarrett Cordes (aka J.C., the Eternal).
Mabibili ang tiket sa TicketNet at TicketWorld (891-9999) outlet. Sa ibang detalye, tumawag sa 389-3708 at 687-0048 Ext. 15099 o mag-email sa [email protected]. Maaari ring bisitahin ang website na www.MassiveMusicManila.com at www.ThenAndNowConcert.com o kaya sa www.divanmedia.com.
- Latest