Kaya puwedeng lumagare Uge per show lang sa GMA
Taong 1984 pa nung maging kalahok ang ating bansa sa Cannes (France) Film Festival, thanks to the directorial genius of Lino Brocka. Sino’ng makapagsasabi that 25 years later, muling makikilala ang Pilipinas via the film Kinatay which won for Brillante ‘‘Dante’’ Mendoza that Best Director Award?
Last year ’yon, just about the time na pinangunahan ni Senator Loren Legarda ang pagbibigay-rekognisyon kay direk Dante through a bill she herself filed at the Senate. Agad pinahanap ng mambabatas ang director, around May 2009 ’yon for a collaborative work specifically a documentary on climate change.
Kung buwan ng Mayo ’yon, that was four months before the twin onslaught of Ondoy and Pepeng, even much earlier than what is now a feverish campaign season for the 2010 polls. Aminado si direk Dante na hindi siya pamilyar sa climate change, but his meetings with Loren provided him an insightful glimpse into the issue of global proportions.
Dito na nabuo ang kanilang pagsasanib-puwersa. ’Ika nga ng senadora, sa kanya ang kausa (cause), kay Dante naman ang sining. Hence, the birth of Buhos (Downpour), ang makamulat-matang docu tungkol sa global warming at ang mapaminsalang epekto nito sa ating kalikasan.
* * *
Wala pang katiyakan kung gaano katagal aabutin ngayon ang automated na ang halalan, but one thing’s for sure — counting or still counting, rigging or no rigging — inaantabayanan ng mahilig sa makabuluhang comedy ang pelikulang Here Comes The Bride.
Showing two days after the election day, pangunahing bida rito sina Angelica Panganiban at Eugene Domingo in a never-before-told wedding story. Sa direksiyon ni Chris Martinez, siya rin ang may-akda nito, the same person lauded for his intelligent work, ang Kimmy Dora starring Uge.
At the presscon with a wedding reception ambience, naitanong ko kay Roxy Liquigan ng Star Cinema kung ano nga ba ang status ni Uge sa GMA 7 who has a movie with ABS-CBN’s film arm. Wala raw itong conflict sa Kapuso dahil on per show basis lang naman ang komedyana roon.
* * *
Hindi alam ng marami na noong may sitcom pa si Vic Sotto sa GMA 7 (ang Fulhaus), much as he wanted to discontinue the show even ahead of its cancellation ay hindi niya magawa. Nanaig kasi noon kay Bossing ang compassion para sa kanyang mga katrabaho who badly needed means to survive.
Eto na naman ang pagpapamalas ng TV host-comedian ng kanyang mapagkawanggawang pagkatao, still the man behind TV5’s My Darling Aswang. Behind the camera is a man with a heart that goes out to his co-workers. Kung ‘‘aswang’’ ang kanyang love interest sa Sunday sitcom na ito an Kapatid network, Bossing is the exact opposite in real life
- Latest