^

PSN Showbiz

Ryan ayaw nang bumalik sa Kapamilya

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Para namang malas si Richard Gomez sa pulitika. Hindi siya naupo nung unang manalo ang grupong MAD sa Kongreso. Tumakbo siyang se­na­dor, hindi rin siya pinalad.

Ngayon namang pati trabaho ay isinakripisyo niya para lamang maka­takbo sa probinsiya ng kanyang asawa at probinsya na rin niya dahil na­katira na sila run, saka naman siya ‘di pinayagang tumakbo for lack of re­sidency? 

Pero di bale, andiyan naman si Lucy Torres-Gomez. Alam ng showbiz ang kanyang kakayahan kaya malaking-malaki ang tsansa niya, hindi man pinalad na makatakbo ang kanyang asawa.

* * *

Inilalayo nga ba ni Geneva Cruz ang anak nila ni Paco Arespacochaga na si Heaven sa nakalakihan nitong ama-amahan na si KC Montero? Hindi na raw isinama ni Geneva ang anak pauwi rito at iniwan na lamang sa kanyang ama sa US para ‘di na sila magkita ni KC? Takot ito na mahirapang mag-adjust ang anak sa paghihiwalay nila ni KC.

Bakit hindi ba puwedeng maging magkaibigan ang dalawa kahit hiwalay na sila ni KC? Malaki na si Heaven at kung nakaya nitong tanggapin ang sitwasyon nila ni Paco, makakaya rin nitong tanggapin yung nangyayari sa kanila ni KC.

* * *

Hanga ako kay Ryan Agoncillo, kahit anong panghihikayat ng Dos, ‘di siya makuha-kuha. Kung bakit naman kasi pinakawalan pa siya. Eh maski naman nun pa, kita na ang kagalingan ni Ryan as a host. Natiyempuhan lang na magandang show ang naibigay sa kanya kaya sabay silang umangat. Ngayon, masisisi n’yo ba siya kung mag-stick siya sa Singko, eh ito lamang ang nagtiwala sa kanyang kakayahan nung una. 

ALAM

BAKIT

GENEVA CRUZ

HANGA

LUCY TORRES-GOMEZ

NGAYON

PACO ARESPACOCHAGA

RICHARD GOMEZ

RYAN AGONCILLO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with