Comedy may ibang level sa tawanan
MANILA, Philippines - Maghahatid ng kakaibang level ng katatawanan ang Comedy Bar ang pinaka-bagong programa ng GMA 7 na kikiliti at magpapasaya sa mga manonood sa kanilang ikalawang episode.
Sa pangunguna ng dalawa sa pinakamahusay na komedyante sa showbiz na sina master of live entertainment Allan K at award-winning comedienne Eugene Domingo, ibabahagi ng programa ang eksaktong laugh trip na karaniwang napapanood lamang sa isang comedy bar. Sa loob ng isang buong oras, iba’t ibang spot performances at musical comedy stunts ang ihahandog ng dalawang hosts sa harap mismo ng isang live studio audience at milyun-milyong television viewers.
Kasama rin sa Comedy Bar ang hot na hot na Brapanese hunk na si Favio Ide at ang grupong Six Feet Long na binubuo ng mga band members nitong sina Jay Perillo, Michael Gemina, Weckl Mercado, Iean Inigo, Tim Mallilin at Ivan Espinosa.
Upang maging mas espesyal ang bawat episode, bibigyan din ng pagkakataon ng show ang mga undiscovered comedians upang ipamalas ang kanilang natatanging galing sa stand-up comedy. Siyempre, di rin mawawala ang celebrity guests na handang makisaya at makipagkulitan sa mga host ng programa.
Abangan ito pagkatapos ng Imbestigador sa GMA 7.
- Latest