^

PSN Showbiz

Lady Gagita at Haronce sikat na sa Youtube

-

MANILA, Philippines - Pagkatapos makigulo ni Rhian Ramos sa barkada ng I Laugh Sabado – ang newest com­edy variety show ng Q Channel 11 – si Heart Evangelista naman ang makiki­pag­kulitan sa second episode nito ngayong unang araw ng Mayo!

Sasamahan ni Heart ang mainstays ng I Laugh Sabado na sina Wally Bayola, Paolo Paraiso, Gee Canlas, Jana Dominguez, Jan Manual, Alfred Marquez at Archie Alemania sa isang gabi na puno ng tawanan at kulitan, dala ang mga sketches at gags na siguradong magpapataob sa mga viewers sa kanilang mga inuupuan.

Bibida si Heart sa sketch na Echo Park, kung saan siya ay isang forestry student na may issue na kailangang harapin mula sa kanyang past – di nalalayo sa kanyang tunay na buhay! Makikipag-jam­ming din si Heart kay Yael Yuzon, lead vocalist ng bandang Sponge Cola, sa isang live performan­ce.

Mapapanood ang progra­ma tuwing Saba­do, 8:30 p.m, sa Q Channel 11.

* * *

Ngayong Sabado, pagkatapos ng Claudine sa GMA 7, tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho, sina Lady Gagita, ang Bagoong Festival, mga nakakamanghang underwater creature, at marami pang iba.

May bagong pinagkakaguluhan na naman sa Youtube — ang video parody ng kantang Telephone ni Lady Gaga at Beyonce na ini-spoof nina Lady Ga­gita at Haronce… parehong mga Pinoy! Kapansin-pansin na kahit hindi nila mapantayan ang production value ng original music video ng dalawang diva, kuhang-kuha naman nina Lady Gagita at Haronce ang dance steps ng kanilang mga idolo. Pulidong-pulido rin ang pagkaka-edit ng kanilang video. Maski may mga tumutuligsa sa kanila sa internet, walang dudang patunay sila ng husay at pagiging maparaan nating mga Pilipino. Pero sino ba talaga sina Lady Gagita at Haronce? Sila na nga ba talaga ang the next Youtube sensation?

Kasunod naman ang Bagoong Festival na kamakailan lang ay pinagdiwang sa Lingayen, Pangasinan sa kauna-unahang pagkakataon. Kahit saan kasi lumingon sa Lingayen, makikita ang iba’t ibang pagawaan ng bagoong. At kung anong sangsang ng mga amoy nito, siya namang perfect nitong sawsawan at kahit pa ulam, sa hapag-kainang Pinoy! 

Maliban sa pagsu-swimming, marami pang ibang paraan upang ma-enjoy at makita ang ganda ng karagatan ngayong summer. Ang Big Foot Studios sa Cebu, pinagmamalaki ang kanilang underwater studio. Binuksan naman na sa Manila Ocean Park ang kanilang hotel kung saan ginawang dingding ang mga naglalakihang aquarium para makikita ang maga­gandang under­water creatures. Pero ang iba, gumawa ng replika ng ganda ng karagatan sa kanilang tahanan – sa pamamagitan ng mga state-of-the-art aquarium!

* * *

Autistic daw si Noynoy Aquino habang gahaman naman sa pansariling interes si Manny Villar. May kato­to­hanan ba ang mga paratang na ito o pawang black propaganda lamang na ipinupukol ng magka­bilang kampo sa isa’t isa?

Habang papalapit na ang halalan sa Mayo, bubuwelta sina Sen. Alan Peter Cayetano ng Partido Nacionalista at Rep. Risa Hontiveros ng Partido Liberal tungkol sa isyu ng black propaganda sa kanilang partido ngayong Sabado (May 1) sa espesyal na Harapan edition ng Failon Ngayon.

Naggigitgitan ngayon ang dalawang partido sa mga survey at maaari raw ang paninira sa kalabang partido ang maging tulay sa kanilang tagumpay. Dahil dito, nagsagawa ang Failon Ngayon ng isang mock elect­ion gamit ang aktuwal na sample ballots mula COMELEC at huling-huli sa camera ang nakakawin­dang na reaksyon ng mga nakilahok sa naging resulta ng kunyari’y eleksyon.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

BAGOONG FESTIVAL

FAILON NGAYON

HARONCE

I LAUGH SABADO

KANILANG

LADY GAGITA

Q CHANNEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with