Actor nagre-rebelde sa manlolokong ama
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng matinding tension sa shooting ng isang indie film nang dumating sa set ang veteran actor na ama ng young actor na isa sa mga bida ng movie. War ang mag-ama mula nang iwan ng VA ang pamilya for another woman at mula noon, iniiwasan na siya ng anak.
Hindi lang naiwasang magkasama sa pelikula ang mag-ama dahil kinuha ang veteran actor para gumanap na ama ng kasama ng young actor. Ipinagpaalam ng staff sa young actor na kukunin nila ang kanyang ama at pumayag ito basta ‘wag lang silang magkita sa set.
Kaso, nagmamadali na ang shooting at kailangang kunan ang eksena ng veteran actor at nang dumating ito sa set, na-tension ang staff dahil nandun pa ang young actor na nag-effort not to see his dad. Pagpasok sa set ng ama, lumabas ang young actor sa ibang pinto at sa kotse niya nagbabad at ‘di lumabas habang nasa set pa ang ama.
Sobrang masama ang loob ng young actor sa ama sa ginawa nitong pag-iwan sa kanila ng kanyang ina at kapatid, kaya dedma ito sa pagre-reach out ng ama. Nagrerebelde rin sa ama ang actor at ginagawa ang mga ayaw nito gaya nang pagyoyosi, pag-inom at pagpapa-tattoo.
* * *
Hindi natanggihan ni Aljur Abrenica nang mag-request ang press na kumanta siya kahit one song lang sa launching ng self-title CD Lite album na collaboration ng Sony Music at GMA Records. Kaya kahit may throat infection pa, kinanta nito ang Kailan Kaya na original ni Michael V. ‘Yun nga lang, after the launching dederetso siya sa St. Luke’s for a check-up.
Matinding throat infection ang dumale kay Aljur dahil twice siyang na-confine sa hospital, hindi naman ito puwedeng magpahinga ng matagal dahil maraming trabaho. Isa na rito ang tuluy-tuloy na taping ng The Last Prince nila ni Kris Bernal at ang promo ng five-track album.
Samantala, itinanggi ni Aljur na nagkakamabutihan sila ni Bianca King at pati siya ay nagulat nang ma-link silang dalawa. Sabi nito, baka nagkaroon lang sila ng chemistry sa The Last Prince, kaya sila nali-link. Ang alam niya, maganda at magaling na kontrabida si Bianca.
* * *
Sabi ng manager ng Kapuso star na si BR na lilipat sa ABS-CBN, puwede pa rin itong mahabol ng GMA 7 para mag-stay sa network. Nagtatampo lang daw ang actor, pero ‘di na dinetalye, basta naniniwala siyang posible pang mahabol si BR kahit sinasabing done deal na ang lahat at hihintayin na lang nitong matapos ang election.
May nakausap kaming tila may alam sa isyu at naniniwala siyang isa sa ipinagtampo ni BR ay ang plano ng GMA Films na gumawa ng pelikula na kapareho ng tema ng mga pelikulang ginawa ng isang close relative ni BR.
* * *
Sa Gumapang Ka Sa Lusak, parehong naguluhan sina Levi (Dennis Trillo) at Rachel (Jennylyn Mercado) nang magkita dahil akala nila’y pareho na silang patay. Hindi alam ni Rachel kung paano sasabihin kay Levi na may anak na sila. Nitz Miralles
- Latest