Eugene at Wendell maghaharap
MANILA, Philippines - Maglalaban-laban ang tatlong komedyanteng sina Wendell Ramos, Berwin Meily at Alyssa Alano sa Wachmakulit ngayong Biyernes, April 30.
Tiyak matutuwa ang host na si Hot Mama Eugene Domingo dahil makakaharap niyang muli ang kanyang Hot Papa Wendell. Pero siyempre, hindi naman patatalo ang makuwelang illusionist na si Bearwin da Bear at ang Startalk TX chikadora na si Alyssa sa pagiging listo sa three rounds ng guessing games. Abangan ang matitinding kantyawan at tawanan na hatid ng tatlong komedyante.
Bukod dito, dapat din abangan ang papasok ng Panday Kid star na si Buboy Villar. Siya ay buong bibong mag-i-impersonate at magbibigay ng clues tungkol sa pinahuhulaang celebrity o propesyon. Umubra kaya sila sa tikas ni Buboy at tuluyang maiuwi ang P50, 000.00 na jackpot prize?
- Latest