Mikey Arroyo buking, tamad na estudyante; Phil Younghusband sinisiraan pa rin ng dating manager
Seen : Si Jay Perillo ang bagong inspirasyon ni Kris Bernal kahit itinatanggi niya na meron silang relasyon ni Kris. Finalist si Jay ng Are You The Next Big Star at ngayon ay Kapuso aktor na.
Scene : Ang rebelasyon ni Congresswoman Risa Hontiveros na naging estudyante niya noon sa isang elective subject si Mikey Arroyo. Ibinuko ni Hontiveros na hindi masipag na estudyante ang presidential son.
Seen : Si Gerald Anderson ang cover boy ng May 2010 issue ng Men’s Health magazine.
Scene : Ang reklamo ng fans ni Gerald Anderson na maigsi ang mga eksena niya sa Kung Tayo’y Magkakalayo. Kinakalampag ng fans ni Gerald ang executives ng ABS-CBN dahil parang extra lang sa KTM ang kanilang favorite actor.
Seen : Hindi entertaining ang D’Survivors. Nasayang ang acting talent ng Brazilian-Japanese actors sa kanilang unang indie movie.
Scene : Mamayang gabi ang Gawad Urian ngunit walang ingay ang award-giving body ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
Seen : Bitter pa rin ang talent manager na si Joyce Ramirez sa pang-iiwan sa kanya ng alagang si Phil Younghusband. Patuloy ang paninira ni Joyce kay Phil pero dedma ito.
Scene : Sold-out na ang tickets ng Araneta Coliseum concert ng Tears for Fears sa May 2, Linggo.
- Latest