^

PSN Showbiz

Santacruzan 2010 sa Binangonan

-

MANILA, Philippines - Malaking karangalan ang makuhang Reyna Elena sa Santacruzan noon. Bibihira kasi ang napipiling maging Reyna dahil kailangang malinis ang pangalan at maganda.

Ilan sa mga nakumbida para maging Reyna Elena sa bayan ng Binangonan, Rizal ay sina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Glaiza de Castro, Rica Pera­lejo, Beth Tamayo, Jodi Sta. Maria, Jessa Zara­goza, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paola Pera­lejo, Ana Roces, Hazel Es­pinosa, Tina Monasterio, Ma­rian­ne dela Riva, Alma Con­cepcion (Bb. Pilipinas International), Mar­ga­ret Wilson (Bb. Pilipinas World), Peachy Veneracion (Mutya ng Pilipinas), Jean Hearn (Ms. Earth), Krista Ranillo at Em­press Schuck.

Ngayong taon, ay isang tu­bong Binangonan na nag-aa­ral sa Child Jesus Pra­gue School, anak nina G. & Gng. Boyie Doblada na si Camille Alyzza O. Dob­lada, bilang Reyna Elena. Ang kanyang gown na gagamitin ay ni­lik­ha ng designer na si Li­way Mallari ng Home of Fashion. Ito ay lalahukan din ng mga piling dilag ng nasabing bayan.

Panata ang turing sa Santacruzan. Ayon kina Liga President Larry G. Ara­da, at Gomer O. Celestial project coordinator, Kagawad Caloy Mesa ng Cultural Affairs, ang San­tacru­zan ay tampok sa Pista ng Krus sa Barangay Libid sa Mayo 2, 2010, 7:00 p.m.

Ito ay sa pagtataguyod nina Mayor Boyet M. Ynares, Sangguniang Barangay at SK ng Libid, Gng. Sonia Oren­dain — de Leon, Gng. Bonet Tiraña, Engr. & Gng. Joel Ga­vino, Victor Santos, KABALIKAT CIVICOM, Club 109, Brgy. Tanod at Senior Citizens ng Libid para sa kaayusan ng prusisyon.

vuukle comment

ALMA CON

ANA ROCES

BARANGAY LIBID

BEA ALONZO

BETH TAMAYO

BINANGONAN

BONET TIRA

BOYET M

GNG

REYNA ELENA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with