^

PSN Showbiz

EP ipinakita ang pagmamahal sa bayan

-

MANILA, Philippines - Bukod sa adhikain na itaguyod ang edukasyon ng mga batang kalye sa pamamagitan ng kanyang kariton, ginawa na ring panata ng CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida ang loyalty o katapatan sa bayang sini­langan.

Makikita ang bagong panata (solemn vow or pledge) ng bayani sa TV commercial ng LBC na nagpapakita ng pagbigkas niya ng Panatang Makabayan (Philip­pine Oath of Allegiance). Layunin ng anunsiyo na ipakita ang pagmamahal sa bayan sa pagbibigay ng tapat na serbisyo.

Ayon kay Efren, ngayon niya lalong naramdaman na ang pagtulong sa nation-building ay ang pina­ka­mportanteng challenge sa bawat Pinoy. Kaya ang per­sonal niyang panata ay ang huwag sumuko para sa bayan at sa mga kababayan.

“Una sa lahat, ang non-negotiable sa panata ko ay ang desisyong hindi ko iiwan ang bansa. I will never give up my country to live in another place. Wa­lang iwanan, pagdating sa bansa natin,” sabi ng high school teacher.

“Ikalawa, parte ng panata ko na patu­loy na tumu­long sa paraang alam ko. Hin­di ko mareresolba ang lahat ng problema pero dahil ako ay guro, I vow to be the best teacher that I can be.”

Kaya hindi titigil ang awardee na street educator sa kaalaman niya. Plano niyang ipag­patuloy sa masteral hanggang doc­toral degree ang edukasyon niya.

“Whatever I learn, isi-share ko sa iba pang volunteers o kung sino pa man ang gus­tong matuto para mas marami pang matulungan,” sabi ni Efren.

Ang pagbibigay ng magandang ehem­plo ang mithi ni Efren. Kung kaya niya, kaya rin ng kahit sino dahil, dagdag pa ng bayani, “kaya mo dahil Pilipino ka sa isip, sa salita, at sa gawa.”

AYON

BUKOD

EFREN

EFREN PE

HERO OF THE YEAR

KAYA

OATH OF ALLEGIANCE

PANATANG MAKABAYAN

SHY

WHATEVER I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with