36 semi-finalists ng Pilipinas Got Talent, ibinunyag na!
MANILA, Philippines - Pinangalanan na ng sikat at top-rating talent-reality show sa bansa na Pilipinas Got Talent ang 36 na mapapalad na contestants na maglalaban-laban sa inaabangang semi-finals round simula sa Sabado (May 1).
Mahigit 220 acts ang mainit na pinagdebatehan at pinagdiskusyunan ng mga huradong sina Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas at Freddie M. Garcia a.k.a. FMG para ipasok sa susunod na round at sa bandang huli,17 contestants mula Luzon, siyam mula Visayas, at sampu mula Mindanao ang kumumpleto sa top 36.
Mula Luzon, pasok ang Baguio Metamorphosis, sina Alex Carpena, Powerpuffcorn, Kapidamu Band, Allan De Paz, Markki Stroem, Garrett Bolden Jr., Joel “Big Mouth” Amper, Ingrid Payaket, Ma. Jeline Oliva, Velasco Brothers, Reinel Tulabing, ang Imusicapella Chamber Choir, sina Geraldine “Fame” Flores, Keith Clark Delleva, Ruther Urquia, at Jovit Baldivino.
Pambato naman ng Visayas ang grupong Goldies n’ Goodies, Jzan Tero, Mae Lozada at Anselmo Estillore, Josephine Aton, Carlmalone Montecido, Manolito Saldivar, Luntayao Family singers, Jhistine Baguio at Filemon Baguio, at ang Snap Boiz.
Pagdating naman sa Mindanao, handang-handa na muling magpakitang gilas sina Harold Gesulga, Grupong Hello World, Reggie Ramirez, Florante Castino Inutan, Experience Kidz, Sherwin Baguion, Ezra Band, Rolando Ng III, Xavier University Cultural Dance Troupe, at si Rolando Permangil.
Simula ngayong Sabado ay live na matutunghayan ang Pilipinas Got Talent semi-finals sa AFP Theater, Camp Gen. Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Bawat linggo ay anim na contestants ang maglalaban-laban at dalawa sa bawat linggo ang pipiliin para makapasok sa final round base.
Ang contestant na may pinakamataas na boto ay siguradong pasok sa finals.
- Latest