^

PSN Showbiz

Dolphy natatawa kapag hinihingian ng payo sa kasal

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Isa kami ni Manay Marichu Maceda sa naki­pag­puyatan sa mga taga-PMPC (Philippine Mov­ie Press Club) nung gabi ng Star Awards for Mov­ies. Kahit may commit­ment si Manay Ichu, ta­­la­gang hindi siya makaalis-alis hangga’t hindi naa-award-an si Gina Pareño bilang Ulirang Ar­tis­ta.

Sa kumpanya ng mga parents ni Manay Ichu nag­simula ng career bilang artista si Gina ka­sama sina Dindo Fernando, Bert Leroy, Pe­pi­to Rod­riguez, Loretta Marquez, at Rose­marie So­nora bilang Stars ’66.

Malayo na ang itinakbo ng career ni Gina na siyang dahilan kung bakit natatag ang PMPC, ’di ba Vero (Samio)?

Magagalit ang namatay na ama ni Manay Ichu na si Dr. Jose R. Perez kung wala ni isa man sa mga Vera Perezes ang darating para magbigay pa­­ra­ngal sa magaling na aktres. Napuna nga nito na hindi man lamang nakapaghanda ng pumpon ng bulaklak para kay Gina. Oo nga, walang bou­quet si Gina!

Masaya ang awards night ng PMPC. Sa hirap ng buhay ngayon, bilib ako sa organisasyon dahil nakakatagpo pa rin sila ng producer na maglalabas ng kanilang taunang parangal sa mga taga-in­dus­triya ng pelikula.

At parang wala akong nari­nig na rek­lamo sa mga napili nilang winners. Popular choi­ces at tala­gang deserving ang lahat ng nanalo. Congra­tu­la­tions sa PMPC sa isang napakahirap na trabaho.

* * *

Ang gagaling din ng napiling mga Stars at Fa­ces of the Night. Talaga namang deserving na ma­pili sina Lorna Tolentino, Iza Calzado, Bangs Gar­­cia, Luis Manzano, at Jericho Rosales. Al­though kung napili rin si Ruffa Gutierrez ay okay din. Maganda siya at ang gown niya nung gabi ng Star Awards.

* * *

Muli, nalulungkot ako dahil hindi na naman naki­pag-cooperate ang maraming malalaking artista. Dahil ba hindi sila winners, hindi performers, at ayaw maging presentors lamang?

Kung sabagay, sa kahirapan ng buhay, gagas­tos pa ba sila, magpapatahi ng gown, magpa­pa­ayos, gagastos sa gas, at siyempre afterwards, din­­­ner sa labas, eh mga performers lang at hosts ang binibigyan ng honorarium? Eh sumama na lang sila sa kampanya ng mga kandidato sa elek­syon, may bayad pa sila.

Kapag nari-remember ko ’yung nakaraang Os­cars, malalaking artista ang dumalo. But then, iba ang Oscars, worldwide ito ’di tulad ng Star Awards na local lang.

* * *

Natatawa na lamang si Dolphy kapag humi­hi­ngi ng payo sa kanya ang mga anak niya tungkol sa kanilang marriage. Paano kasi never pang na­ka­sal ang hari ng comedy. But nevertheless, hindi maramot sa kanyang advice si Dolphy. Sere­mon­yas lang ng kasal ang wala siya, sa karanasan tung­kol sa pagpapamilya, napakaya­man niya.  

Never nabibigo ang kanyang mga anak kapag may problema sila, lagi silang natutulungan ng ama. Pero sa kabila ng pagkakaroon nang pinag­kaka­ki­taan ang kanyang mga anak, gene­rous pa rin si Dolphy sa kanyang pagtulong sa kanila.

BANGS GAR

BERT LEROY

DINDO FERNANDO

DOLPHY

GINA

GINA PARE

MANAY ICHU

SHY

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with