^

PSN Showbiz

Ex ni Arci: Bastos na, manunuba pa!

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Sunud-sunod na ‘‘Oh, my God’’ ang sinambit ni Arci Muñoz off-camera nang ibuko on-air ni Lolit Solis ang pagkakautang ng dating nobyo nitong si Kean Cipriano (of Callalily) sa young actress.

Kung tutuusin, hindi na bago ang isiniwalat ni ’Nay Lolit, noon pa naman pinag-uusapan ang atraso ni Kean kay Arci. Within earshot, tinanong ko tuloy ang ngayo’y alaga na ni Annabelle Rama kung magkano ang utang sa kanya ng ex-boyfriend.

‘‘Matagal na po ’yon,’’ umiiwas na sabi nang nag-blush na si Arci. Pero nang nasukol, P25,000 pala ang amount involved na inutang ni Kean noon pang November 2009 during their happier times. Unpaid to this day, ipinambayad daw ’yon ni Kean sa kanyang car loan.

‘‘Pero okey na po ’yon,’’ sabi ni Arci na agad pina­lagan ng kanyang mga kaibigang staff sa GMA. ‘‘Hoy, Arci, P25,000 din ’yon, ’no! Malaking pera na rin ’yon sa panahon ngayon!’’ hirit ng mga ito.

No wonder, ni tapunan ng tingin ay hindi nagawa ni Kean nu’ng iniinterbyu siya ni Arci at a recent GMA event. Aniya, kung siya ang may atraso, nungkang lapitan niya ang taong ‘yon, pero sa ngalan ng trabaho ay ininterbyu niya si Kean.

Now, hindi lang pala bastos si Kean, manunuba pa! Iwwww, it sucks!

* * *

Magdadalawang-taon nang nilisan, ’ika nga, ni Rudy Fernandez ang daigdig ng mga mortal pero hindi ibig sabihin that his widow is ready to fall in love again.

Inamin ni Lorna Tolentino (who looks younger than her age these days) na may mga showbiz at non-showbiz siyang manliligaw. Pero nasa kanya na rin daw ang diperensiya. Hindi niya ine-entertain ang mga advances ng mga ito.

Pero consistent pa rin naman ang aktres na wala namang finality ang hin­­di niya pagkakaroon muli ng bagong mamahalin. It’s just that she’s en­joying her time with sons Ralph and Renz, plus her friends. Sa katunayan, mas focused na nga raw ngayon sa buhay ang mga anak nila ni Daboy: Ralph is interested in putting up a poultry business, habang tutok naman sa pag-aaral si Renz.

But proof that Ms. LT hasn’t totally recovered from her husband’s loss ay ang laman ng kanyang wallet, na wari’y baul ng nakaraan that spoke about their happy marriage. Ipinabasa pa ni Lorna ang dedication sa card na si Daboy umano ang sumulat: ‘‘No need to worry, Babe, no one as beautiful as you can pass to the world without inspiring love. You must not feel insecure. Babe, I love you very much.’’

Ilan lang daw ’yon sa mga nakalkal na momentos ni Lorna from a huge pile of Rudy’s clothes na hanggang ngayo’y intact pa rin. Kabilang din doon ang mga damit ng asawa properly labeled kung saang pelikula nito ginamit at kung anong sequence.

* * *

Mamayang alas-otso na ng gabi magsisimula ang 5 Star Special Pre­sents Ruffa Gutierrez opposite ex-boyfriend Zoren Legaspi who plays a womanizer, pinamagatang For Better or For Worse.

ANNABELLE RAMA

ARCI

ARCI MU

DABOY

FOR BETTER

KEAN

LSQUO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with