^

PSN Showbiz

Kesa pansinin ang intriga, aktres bumili ng condo sa Rockwell

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Halatang hindi pa komportable sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na pag-usapan ang ka­nilang relasyon o ang JenDen romance. Wala lang silang choice kundi sagutin ang mga tanong ng press na bumisita sa taping ng Gumapang Ka Sa Lusak na mula nang mabuking ang relasyon ng dalawa’y mas dumami ang sumusubaybay.

Sabi nina Jennylyn at Dennis, “dating” pa lang sila na ayaw naming paniwalaan dahil na rin sa ka­nilang mga kilos. Hindi nila mapigilang mag-slight PDA o Public Display of Affection, pero tiniyak ng dalawa na hindi mauulit ang nangyaring nagkaanak si Jennylyn kay Patrick Garcia at si Dennis ay may anak kay Carlene Aguilar.

Ani Jennylyn, “Siguro naman we’re old enough to know at sa experience na rin namin” na sinundan ni Dennis ng dialogue na “Lesson learned, natuto na kami at alam na namin ngayon.” Ngiti ang sagot nila sa paniniyak ng press na ‘di masusundan sina AJ ni Jennylyn at Calix ni Dennis na incidentally, nagkita na. Ano kayang pinag-usapan ng mga bagets?

Ipinakilala na rin ni Dennis si Jennylyn sa parents niya nang yayain niya ang aktres na makipag-lunch, hindi nga ang sinagot ni Dennis kung “my GF” niya ipinakilala si Jennylyn. Basta ma­ganda ang relasyon ng dalawa at kita ito sa aura nila and for sure, makakatulong ito sa ka­nilang trabaho at sa Gumapang Ka Sa Lusak.

Kaya nga, ‘di kami pabor na agad paghiwalayin ang dalawa after Gumapang…, mas maganda kung may follow-up project sila para sustain ang interest at curiosity ng tao. Kaya lang nasa Endles Love na si Dennis at si Jennylyn baka sa iba ipareha. Sayang!

* * *

Kahit ano pa ang sabihin ng kanyang detractors at kahit ano pang derogatory names ang itawag sa sikat na aktres na ito, hindi maipagkakailang isa siya sa pinaka-successful sa showbiz ngayon at can afford to live in style gayung wala pa siyang four years sa showbiz.

Ang aktres na ayaw magpabanggit ng panga­lan ay ilan lang sa taga-showbiz na can afford bu­mili ng condo unit sa Rockwell na super mahal. Wala pa yatang sampu ang mga artistang nakatira sa Rockwell, pero ang aktres, sa isa sa mga condo ru’n umuuwi.

Kaya tama ang ginagawa nitong pangdi-dedma sa mga intriga at tsismis sa kanya at magtrabaho na lang siya. Sa kasipagan niya, madadagdagan pa ang pera niya.

* * *

Wala si Ogie Alcasid sa Party Pilipinas sa Cebu at na-tweet nito na “have a singing enga­ge­ment today that have been booked a long time ago” at ‘di na nag-elaborate.

Sa manager nitong si Leo Dominguez kami nagtanong kung bakit wala sa show si Ogie, eh birthday ni Regine Velasquez? Ayun, may kasal palang pinuntahan si Ogie ng 4:00 p.m., na matagal na niyang nasarado at baka made­manda siya ‘pag ‘di umabot si Ogie ‘pag pumunta pa ito ng Cebu. Ang Party Pilipinas, last month lang sinabing pupunta ng Cebu.

Babawi na lang si Ogie sa Davao next week at magkakasama sila ni Regine up to May 9, habang hindi pa sila umaalis para sa kanilang US/Canada tour kasama sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

vuukle comment

ANG PARTY PILIPINAS

ANI JENNYLYN

CEBU

DENNIS

GUMAPANG KA SA LUSAK

JENNYLYN

KAYA

OGIE

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with