^

PSN Showbiz

Ruffa Reyna Sa Singko

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

I’m sure nararamdaman na ni Ruffa Gu­tier­rez ang magandang bunga ng ginawa niyang pag­­su­gal sa kanyang career nang umalis ng Dos (ABS-CBN) at lumipat ng Singko (TV5).

Bukod sa napakabilis ng pag-angat ng show­biz talk show nilang Paparazzi ay nabigyan pa siya ng pagkakataong ma-feature sa isang 5-part dra­ma series – 5 Star Specials na hindi ka­i­­lan­man naipagkaloob sa kanya ng ibang net­works. 

Sa kanyang bagong bahay, sinasabing ‘di mag­lalaon ay magri-reyna siya pero sinasabi niyang wala ito sa kanyang agenda. It is enough for her na ma-recognize for whatever she’s worth.

Ang maganda kay Ruffa, wala siyang in­se­cu­­rities. Hindi siya umalis ng ABS-CBN dahil in­se­cure siya kay Kris Aquino. Naghanap la­mang siya ng greener pasture. Masakit sa kan­yang iwan sila pero ganun talaga ang buhay. Min­­­san, kaila­ngan mong sumubok at magsugal para malaman kung saan ka talaga. Nagbunga ang kanyang gam­ble, wagi siya! Congra­tulations!

* * *

Matanda na talaga ako dahil nawe-werduhan ako sa kakaibang relasyon nina Paolo Paraiso at Mylene Dizon. Tanggap ko nang magkaanak ang kahit sinong couple out of wedlock, nang­yayari ito sa marami pero, ang ulitin nila ito, para lamang mabigyan ng kapatid ang panganay nila na hindi naging dahilan para gawin nilang legal ang relasyon nila in the first place ay talagang isang palaisipan sa akin. At ang siste may mga iba na silang karelasyon. Obviously ganun sila ka-close kaya bakit hindi na lang sila? Bakit ka­ila­ngan pa nilang humanap ng ibang ka-partner gayong nagagawa nilang planuhin ang pagkakaroon ng anak kahit hindi sila!

* * *

Nakakapagtaka talaga kung bakit ang guwapo-gu­wapo naman ni Carlo Aquino at ang galing pang artista pero why does he take a back seat to les­ser talents. At bakit tila hindi appreciated o re­­cognized ng mga kinauukulan ang talent niya? Tumatanggap nga siya ng mga roles na minsan ay puwedeng sabihin na nakakaangat lang ng konti sa supporting roles. Sa kanya ba nagsisi­mula ang pagmemenos sa kanyang talent? Dapat ba, hindi siya tumatanggap ng roles na masyadong maliit para sa kanyang kalibre?

Saan ka nga ba nagkamali, Carlo?

* * *

Dumalo ako sa pa-presscon ni Mother Lily para kay Sen. Jinggoy Estrada. I’ve made open one of my preferences for senator, ang anak ni Erap na hindi lamang isang mahusay na mam­babatas kundi isang napakabuting anak din katulad ng kanyang best friend na si Bong Re­villa, pagdating sa kanilang mga ama, anak lamang sila at hindi senador ng Pilipinas. Igina­galang nila ang mga payo ng kanilang ama, bini­bigyan pagpapahalaga.

Hindi ang sarili niya ang kinakampanya ng husto ni Jinggoy kundi ang kandidatura ng kanyang ama sa pagka-pangulo na alam niyang naapi nung mapilitan itong iwan ang pagka-pangulo. Gustong ipagpatuloy ni Erap ang nasimulan niya at suportado siya ng kanyang anak na isa sa maituturing na pinaka-masipag na senador ng bansa.

* * *

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Fred Panopio. Namatay ito nung Huwebes sa gulang na 71. Kilala si Fred bilang isang mahusay na no­velty singer. Pinasikat niya ang mga kantang Pitong Gatang at Kawawang Kowboy. Nakala­bas din siya sa maraming pelikula at naging pabo­ritong sidekick nina nina FPJ at Jess Lapid Naging kasa-kasama ko rin si Fred sa Clover Theater nung araw.

vuukle comment

BONG RE

CARLO AQUINO

CLOVER THEATER

ERAP

FRED PANOPIO

KANYANG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with