^

PSN Showbiz

Kilalang aktor nananakit ng driver

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nakakuwentuhan namin ang isang family driver ng sikat na aktor pero wala na ito sa kanyang poder ngayon. Matagal-tagal din siyang nanilbihan dito pero hindi na nakatiis sa kalupitan ng aktor.

“Mababa na nga ang suweldo pero nananakit pa. Ilang taon ko ring tinitiis ito, madali siyang ma­galit, nanununtok sa braso, at kapag tinawag ako at nag­kataong wala pa dahil bumibili ng sigarilyo ay tadyak ang aabutin ko. Akala mo ay mabait siya dahil kapag nakaharap sa mga tao lalo na sa kanyang mga fans ay para itong maamong tupa pero kabaligtaran ang ugali sa tunay na buhay,” himutok ng driver.

Clue: Nanggaling siya sa angkan ng mga ar­tista at bata pa ay sikat na sikat na bilang child actor na mahilig sa magagandang babae.

* * *

Maraming nagpatotoo kung gaano kabait at kabuting tao ni Sen. Jinggoy Es­­trada gaya nina Armida Siguion Rey­na, Lorna Tolentino, at Tirso Cruz III sa presscon na bigay ni Mother Lily Mon­teverde. Kami man ay hanga sa kanya dahil noong 1998 ay nilapitan ng movie press ang magiting na senador para tulu­ngang maitayo ang Movie Writers Wel­fare Foundation para sa mga ka­patid sa hanapbuhay na maysakit at kahit ang mga namatayang pamilya. Hindi ito nag­kait ng tulong at nagbigay agad ng seed mo­ney para sa foundation na hang­gang ngayon ay tuloy pa rin ito sa bagong pa­mu­nuan.

Gaya ng kanyang amang si Joseph Estrada, mahal nito ang masa kaya isa sa batas na ipapasa ng senador sakaling mahalal muli ay tungkol sa mga kasambahay kung saan ang pinakamababang suweldo na tatanggapin nila ay P3,000.

Na-touch kami sa kanyang pananalita kung saan sinabing noong 2001 ay kinamumuhian ng mga tao ang kanyang ama na napatalsik sa puwesto dahil naging biktima sila ng tri-media.

“Pero ’di naniniwala ang mga tao dahil nang tu­makbo ang aking ina sa senado, nanalo siya at nang tumakbo rin ako sa senado ay nanalo ako,” sabi ni Sen. Jinggoy.

Inamin din ng pulitiko na komportable ito kapag kaharap ang movie press dahil totoong tao ang mga ito, hindi gaya ng pulitika na grabe ang intriga.

Naniniwala siya na puwede pang bumangon ang movie industry basta’t i-subsidize lang ng gobyerno ang industriya ng pelikulang Tagalog.

Sigurado na si Jinggoy na makakapasok sa Top 5 ng mga senador, baka nga No. 2 pa dahil ayon dito, si Sen. Bong Revilla, Jr. ang mangunguna dahil nakatulong ng malaki ang kanyang Panday.

* * *

Isinabay sa kanyang kaarawan noong Biyernes ang pagbubukas ng Fuel Up Bar na pag-aari ni Angel Locsin. Maganda ang restobar at sosyal na sosyal ang dating.

Sa kaarawan ng seksing aktres ay hangad nito ang magandang kalusugan at sana’y sumiglang muli ang kanyang career.

Matatag na matatag ang kabuhayan ng aktres. Napatayuan na nito ang katabing lupa ng kanyang mansion at may napakalaking swimming pool pa. Masinop kasi sa pera si Angel.

ANGEL LOCSIN

ARMIDA SIGUION REY

BONG REVILLA

DAHIL

FUEL UP BAR

JINGGOY

JINGGOY ES

KANYANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with