^

PSN Showbiz

Dahil sa lalaki, tatlong actress magkakaaway

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagkita sa isang TV show ang dalawang aktres na matagal nang hindi friends mula nang maka-short lived relationship ni Actress A ang ex ni Actress B. Obviously, gusto nang makipagkaibigan ni Actress B dahil gustong lapitan para batiin si Actress A, pero nakita nitong umiwas si Actress A, kaya hindi nito itinuloy ang paglapit.

Ang katuwiran ni Actress A, ayaw niyang makipag-plastikan kay Actress B na there was a time, inaway siya sa text. Hindi masabi ni Actress A kung kailan siya makikipagbati kay Actress B, basta sa ngayon, ayaw pa niyang maging friend ito.

Masama rin ang loob ni Actress A kay Actress C dahil akala niya’y kaibigan, pero aawayin lang pala siya dahil lang sa lalake. Natsi-cheapan si Actress A na malaman ng press na inaway siya ni Actress C dahil lang sa ex nito at ang isa pang ipinagsisintir ni Actress A, pati mga kaibigan ni Actress C, inaaway siya.

Ang nakaloloka pa, hindi type ni Actress A ang ex ni Actress C na pinagselosan nito. “Nope!” at “Never” ang sagot nito sa tanong kung gugustuhin niyang ma-involve sa ex ni Actress C.

* * *

Nakausap namin si Jay Perillo sa presscon ng Comedy Bar na magpa-pilot bukas. Kasama ang binata sa Six Feet Long band na kabilang sa mainstay ng show nina Eugene Domingo at Allan K.

Wanted sa fans nina Kris Bernal at Aljur Abrenica si Jay dahil siya raw ang secret boyfriend ni Kris at hadlang para magkatuluyan ang dalawang bida sa The Last Prince. Pero itinanggi ni Jay na GF niya si Kris, close lang daw sila ng aktres dahil sa kapatid nitong una niyang nakilala at naging kaibigan. Wala rin daw siyang balak ligawan si Kris dahil focus siya sa kanyang career at naghahanda sa launching ng kanyang first album sa Viva Records.

Naisip lang namin na everytime may nabubuking na relasyon si Kris, ang kapatid nitong dalaga ang nagiging alibi. Nangyari ito nang mabuking ang relasyon daw nina Kris at Aldred Gatchalian, nag-deny si Aldred at ang sister daw ni Kris ang totoo niyang friend at heto ngayon si Jay with the same alibi.

Pero paano nila ipaliliwanag ni Kris na madalas daw silang makitang magkasama na silang dalawa lang? Next alibi please!

* * *

Inayawan ni Maxene Magalona si JC Tiuseco na makapareha sa Bakit Kay Tagal ng Sandali, na pagbibidahan ng ak­tres, kaya nagpa-audi­tion ang GMA 7 ng magi­ging leading man ni Max­ene.

Dalawa sa nag-au­di­tion sina Mike Tan at Dion Ignacio na okey sana dahil mas matang­kad sila kay Maxene. Nag-audi­tion din daw si Joross Gam­boa, pero wala pang balita kung ang ak­tor na bang talaga ang ma­pipili dahil proble­ma na mas matangkad si Max­ene sa kanya.

Kung sa acting, wa­lang problema kay Joross dahil mahusay itong aktor at kahit si direk Jun Lana, napuri ito sa acting at ka­yang umiyak na hindi na­­sisira ang mukha.

* * *

Sa The Last Prince, ma­kakatakas sina Lara (Kris Bernal) at Jerrick (Carl Guevarra) at ma­pu­punta sa tirahan ng pitong duwende na ga­ga­mot sa sugat ni Jerrick. Mag­dedesisyon si Lara na bumalik na sa lupa.

ACTRESS

ACTRESS A

ACTRESS B

ACTRESS C

ALDRED GATCHALIAN

DAHIL

KRIS

KRIS BERNAL

LAST PRINCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with