^

PSN Showbiz

Iron Man 2 pinakamalaking pelikula ng 2010

- Ni EA -

MANILA, Philippines - Ang Paramount Pictures at Marvel Entertainment ay nagmamalaking ipalabas ang highly anticipated sequel sa blockbuster film na hinango sa legendary Marvel Super Hero na si Iron Man kung saan muling nagtambal sina Direk Jon Favreau at ang Oscar nominee na si Robert Downey, Jr. sa Iron Man 2.

Ang Iron Man 2 ay magsisimula anim na buwan kung saan natapos ang naunang Iron Man. Si Tony Stark (Robert) nga ay masyado nang under pressure mula sa military at mga pulitiko na ihayag na sa publiko ang mga sikreto ng Iron Man suit, bukod pa sa sobrang tutok ng press sa kanyang buhay. May banta ring panganib sa kanya mula sa isang tao si Ivan Vanko (Mickey Rourke), isang taong may atrasong bumawi kay Tony Stark at sa kanyang dad.

Si Gwyneth Paltrow (muli bilang Pepper Potts) ay nagsalita tungkol sa challenge ng paggawa ng mga effects sa pamamagitan ng green screen sa mahusay na direksyon ni Jon. Para itong pagganap sa isang ‘‘theatre where you just have to use the power of your imagination a little more.’’

Ani Paltrow, ‘‘Jon is still into making everything as real as possible and using live action whenever possible but there are green screen moments because he is taking it to the next level.’’

Ang ibig sabihin nito, ang panonood ng finished Iron Man 2, kasama na lahat ng Character Graphics Interface (CGI) shots, ay mayroon pa ring element of surprise para sa lahat ng mga manonood, ‘‘including the actors and actresses in the film themselves.’’

Ang unang Iron Man ay nagtamo ng universal critical acclaim at naging hit sa box office noong 2008 at ang sequel na Iron Man 2 — na may ma­ningning na cast kasama si Robert muli sa lead role na Tony Stark/Iron Man, si Gwyneth (Pepper Potts), si Samuel L. Jackson (na may maikling appearance bilang Nick Fury sa original film), si Scarlett Johansson bilang si Natasha Romanoff alias Black Widow, si Sam Rockwell sa papel na Justin Hammer, ang nemesis ni Tony Stark a.k.a. Iron Man, at sa napakahalagang papel ni Mickey Rourke bilang si Ivan Vanko/Whiplash, isang taong nais maghiganti kay Tony at sa kanyang ama.

Si Mickey Rourke ang aktor na talagang ‘‘will go the extra mile’’ kapag naghahanda para sa single role. Ang Oscar nominated actor na ito ay naniniwala sa pag-build up sa kanyang papel bilang Ivan Vanko alias Whiplash, na nagbibigay sa kanya ng paggawa ng tinatawag na ‘‘layers of character making him as believable as possible’’ at kung kailangan niyang pumunta sa isang Russian prison ay gagawin niya. At talaga ngang ginawa niya.

 Paglalahad ni Rourke, hindi raw iyon big deal. “I didn’t tell Jon I was going. I went over there for a few weeks and I went to the prisons in Moscow and I met with a prisoner who had just go out (of prison) after 12 years,’’ sabi ng comebacking actor.

Ang mga makers ng Iron Man 2 ay may iisang misyon — ang gawing bigger, better, at more exciting ito kaysa sa unang pelikula — na naglahad ng ‘‘origin story’’ kung paanong si Tony Stark (Robert), ang playboy arms dealer na kamuntik nang mapatay bago niya naisip na gagamitin ang ultimate weapon, ang kanyang Iron Man suit, para sa mabuti.

Tumpak naman dahil ang budget sa pelikula ang biggest film for 2010 na may fantastic 2D and 3D effects at napakagandang soundtrack.

Abangan ang mas exciting na Iron Man 2 na ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation at ipapalabas na sa mga paboritong sinehan simula Abril 30, isang linggong abante sa US playdate.

ANG IRON MAN

IRON

IRON MAN

IVAN VANKO

LSQUO

MAN

MICKEY ROURKE

PEPPER POTTS

TONY STARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with