Tribute artist ni Michael Jackson lilibutin ang 'Pinas
MANILA, Philippines - Nakilala na si Kenny Wizz sa buong mundo bilang numero unong tribute artist ni Michael Jackson — kuhang-kuha niya ang lahat mula sa porma hanggang sa pagsasayaw at boses ng yumaong King of Pop. Deadringer talaga.
Nakita ng mga Pilipino ang galing ni Wizz nang magtanghal sa Manila noong isang taon. Ang mga shows niya ay sumabay sa dalawang linggong palabas ng music-documentary ni Jacko na This Is It! at naging kasing sensational ng tribute artist ang pelikula ng idolo niya.
Bilib ang concert producer na si Steve O’Neal sa kapasidad ni Wizz: “I always had the notion that nobody comes even slightly close to the King of Pop when it comes to dancing prowess and musical genius – but after spending a week with Kenny Wizz and watching him perform, I ate my words.”
Dahil dito, ibinabalik ng produ ang discovery na si Wizz sa Pilipinas para sa natatanging series of shows na lilibot sa buong bansa, ang The Michael Jackson Experience. Unang magtatanghal si Wizz sa Main Ballroom of Hyatt Hotel & Casino sa Abril 23 na magtatapos hanggang May 8 sa Bacolod.
Ang mga gigs niya ang sumusunod: Abril 24, PAGCOR, Tagaytay; Abril 25, Ynares Sports Complex, Antipolo; Abril 30, Cebu; May 1, Dumaguete; May 2, General Santos City; May 7, Davao; at May 8 sa Bacolod.
Ipinanganak sa Los Angeles, California, lumaki si Wizz sa musika ng R&B, soul, at pop. Nahasa siya sa pagsasayaw sa mga kalye noong teenager pa lang siya na panahon ng King of Pop na nag-solo na mula sa Jackson 5.
Ang biggest break ni Wizz ay nang mabigyan ng kontrata sa loob ng 11 taon bilang tribute kay Jacko sa Las Vegas show na Splash sa Riviera Hotel and Casino. Madalas kantahin ni Wizz sa set niya ang Jam, Scream, Smooth Criminal, Billy Jean, Beat It, Thriller, at Heal the World.
- Latest