^

PSN Showbiz

Ruffa may reklamo kay Zoren

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Ni-rape ni Zoren Legaspi si Ruffa Gutierrez! At umamin si Ruffa, nadala siya. Pero wait, sa 5-Star Specials Presents...Ruffa sa TV5 na magsi­simulang mapanood sa April 26 lang ‘yan mangyayari.

Mismong si Ruffa pa ang tumawag kay Zoren para sa nasabing episode since open ang staff ng programang unang nilabasan ni Maricel Soriano sa suggestions.

Kuwento ni Ruffa nang una niyang tawagan si Zoren for the taping, sinabing meron itong shooting for a commercial, pero later on naman daw ay naayos kaya tuloy ang ‘ligaya’ nila sa taping.

Anyway, bukod kay Zoren, makaka-partner din ni Ruffa si Jomari Yllana na siya ang namili, si Phillip Salvador at naka-casting pa sa natitirang episodes.

Pero may isang reklamo si Ruffa sa dati niyang ka-loveteam, mahilig daw mag-OPM (oh promise me) si Zoren. Last Christmas daw kasi ay inawitan siya nito ng litson, so pinadalhan niya ito ng dalawang litson dahil may reunion nga raw ang Legaspi clan pero ang matagal nang pangako sa kanyang ice cream na ini-endorso nito, wala pa siyang natatanggap except sa isang gift certificate sa isang convenience store na ang nakakain lang daw ay anak niyang si Venice. “Kuripot talaga siya,” sabay tawa ni Ruffa.

Anyway, after ng 5-Star Specials Presents...Ruffa, may naka-line up na siyang programa sa TV5 pero ayaw muna niyang ikuwento dahil hindi pa napa-finalize.

Hoping din siya na makakagawa ng movie this year after ng Working Girls na ngayong araw magsisimulang ipalabas sa mga sinehan.

Non-exclusive ang contract niya sa TV5 kaya puwede naman talaga siyang mag-guest sa kahit anong channel at gumawa ng movie kahit sa Star Cinema. Ang importante naman daw at the end of the day, nagtutulungan ang lahat kahit pa matindi ang network war.

Since maging ‘Kapatid’ si Ruffa, naging super busy na siya. “Halata bang wala akong make-up?” tanong niya sa mga kausap na entertainment press. “Hindi na rin ako nakapa-blow dry ng hair,” dagdag niya after the presscon kahapon na ipinatawag ng TV5 for her. “Tambak talaga ang trabaho ko,” she added. Studying script, prepared requirements for Talentadong Pinoy and 7:00 am taping tomorrow, made calls, fittings, mommy duties! Lahat daw ‘yan ang pinagkakaabalahan niya.

Pero kahit non-exclusive ang contract niya, may siguradong kita na siya for the next three years sa pag-aaring network ni Mr. Manny Pangilinan.

In fairness, kahit walang make up, hindi talaga halata. Simple lang siya at parang fresh pa rin naman kahit zero pa rin ang lovelife.

After ng bonggang issue sa kanila ni John Lloyd Cruz, tapos na ang kuwento sa kanila. Very 90s na ang feeling ni Ruffa tungkol sa nasabing issue nang may mag-attempt na magtanong tungkol dito.

Actually, maraming manliligaw si Ruffa. In fact, nasulat na ito dati na dumating sa bansa ang isang avid suitor niya na may private air charter. Pero obviously, hindi niya natipuhan.

For the last three years, aminado siyang marami siyang manliligaw pero mas pinili niyang mag-concentrate sa career niya.

Pero during the tsikahan din, ibinuking ni tita Annabelle Rama na kahit kahit bugbog ang inabot nito sa dating asawang si Yilmaz Bektas, aba muntik-muntikan na talaga itong bumalik ng Istanbul as in naka-ready na ang maleta nito sa sala nila noon. Sampung beses daw kasi itong pinadalhan ng ticket ni Yilmaz pabalik sa kanyang bansa kaya minsan ay naengganyo siyang balikan ang asawa. Buti na lang at nagkasakit si Tita Annabelle at nagpatawag ng general assembly ang daddy niyang si Eddie Gutierrez sa kanilang bahay na matagal nang hindi nangyayari dahil ginagawa lang ito noong bata-bata pa siya at nai-inlove.

To make the long story short, napigilan siya.

Pero gagawin niya ba ang paghihigpit na ginawa ng mommy niya sa dalawang anak niya? Yes ang sagot ni Ruffa. Pero ipapaliwanag daw niya kung bakit siya naghihigpit.  

 Nag-iipon na rin siya ng pambili ng sariling bahay. Pero aminado si Ruffing na marami pa siyang iipunin though ang gusto lang naman niya ay isang bahay na mako-consider na home with lots of love kasama ang kanyang lifetime partner at isang masayang pamilya ang nakatira. At importante na puwede na ang pets.

ANNABELLE RAMA

DAW

EDDIE GUTIERREZ

KAHIT

NIYA

PERO

RUFFA

SIYA

STAR SPECIALS PRESENTS

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with